03/10/2026
VP SARA, KAKASUHAN SANA SI TRILLANES NGUNIT PROTEKTADO UMANO NG ADMINISTRASYONG MARCOS—PANELO Malugod sanang kakasuhan ni Vice President Sara Duterte si dating Sen. Antonio Trillanes IV dahil sa mga tinawag na kasinungalingan laban sa kanyang pamilya, ayon sa tagapagsalita niyang si Atty. Paolo Panelo. Gayunman, iginiit ni Panelo na pinoprotektahan umano ng administrasyong Marcos ang mga nagpapakalat ng naturang mga alegasyon. “The Vice President would gladly sue him for these endless fabrications, but we have already witnessed how those who actively peddle malicious lies against her and her family are openly protected and propped up by this administration,” ani Panelo. Kasunod ang pahayag ng press conference ni Trillanes noong Oktubre 2 tungkol sa umano’y kuwestiyonableng pinagmulan ng pera ng pamilya Duterte. Binatikos din ni Panelo ang pag-atras nito bilang testigo sa impeachment trial. Nauna namang sinabi ni Trillanes na hiniling niyang alisin ang kanyang pangalan upang maibsan umano ang “pressure” sa prosekusyon. Ayon kay Panelo, hahayaan ng bise presidente na magsalita ang ebidensiya sa impeachment court at handa ang kanyang depensa na sagutin ang mga alegasyon.
No copyright infringement is intended. I do not own the rights to this music/video/image. All rights belong to the owner."
Full credit to the original owner Source; Ang Balita Ngayon