MIB4 New Online Radio sa Pilipinas

MIB4 New Online Radio sa Pilipinas MIB4 Online Radio sa Pilipinas is your modern day AM FORMAT internet Radio. It serves our Ka-Forever worldwide.

It features NEWS, COMMENTARIES, PUBLIC SERVICE, CLASSIC MUSIC and other AM format now being featured in the digital age of broadcasting.

Pinagbigyan tayo ni haring araw para sa RELIEF OPERATIONS sa Bayan ng Pinamalayan.🤙Sa pangunguna ng DSWD, bilang lead ag...
27/07/2025

Pinagbigyan tayo ni haring araw para sa RELIEF OPERATIONS sa Bayan ng Pinamalayan.🤙

Sa pangunguna ng DSWD, bilang lead agency, mas madali po ang pagbaba ng ating tulong sa ating mga kababayan, base po ito sa report at listahan na isinumite ng ating mga Barangay. Kaisa po ang ating opisina ay naibahagi natin kaagad ang mga foodpacks para sa ating mga kababayang naapektuhan ng bagyong at Habagat nitong mga nakaraang araw. Kabilang ang Bgy. Lumambayan, Bgy. Marfrancisco at Bgy. Sta. Isabel sa unang nabigyan sa ating relief operations.🙏

Maging positibo po tayo, Mindoreños, kaya natin ito!💛Kasama po ang inyong lingkod at ang buong Barangay Umali, let us pray for better days ahead.🙏






TINGNAN: Walang humpay ang tulong mula sa ating lokal na pamahalaan sa pamumuno nina Mayor Robinhood Ylagan at Vice Mayo...
27/07/2025

TINGNAN: Walang humpay ang tulong mula sa ating lokal na pamahalaan sa pamumuno nina Mayor Robinhood Ylagan at Vice Mayor Rocky Ilagan para sa patuloy na pamimigay ng relief goods sa Km.39, Brgy. Villaflor. Kabalikat sa pamamahagi ang MSWDO at Community Affairs Office na siniguradong makararating ang ayuda sa mga kababayan nating sinalanta ng bagyong Dante at Emong.

FLOOD CONTROL SA BARANGAY TAGUMPAYNgayong araw ay personal nating binisita ang Barangay Tagumpay, kasama ang kanilang bu...
27/07/2025

FLOOD CONTROL SA BARANGAY TAGUMPAY
Ngayong araw ay personal nating binisita ang Barangay Tagumpay, kasama ang kanilang butihing Kapitan Nestor Asi, upang silipin ang kalagayan ng Flood Mitigation Project sa gitna ng mga usapin at larawan na kumalat sa social media ukol sa nasirang bahagi ng proyekto.
Nais naming linawin na ang nasirang bahagi ay bago pa lamang at hindi pa lubusang tumitigas ang semento nang tamaan ito ng malakas na agos ng tubig at malalaking bato mula sa ilog, dulot ng sunod-sunod na bagyo. Dahil dito, nagkaroon ng pinsala sa ilang bahagi ng istruktura.
Nauunawaan po namin ang inyong mga saloobin at nais naming ipabatid na may naka-ayos nang plano upang agad itong kumpunihin habang maganda pa ang panahon.
Makakaasa po kayo na patuloy naming babantayan at titiyakin ang kalidad at kaligtasan ng mga proyektong isinasagawa sa ating mga barangay.
“Mas mahalaga po sa amin ang maayos at pangmatagalang solusyon, kaysa mabilis pero panandalian lang. Maraming salamat po”.

Kuha ito noong nakaraang clearing operations sa kasagsagan ng bagyong Dante at Emong. Pinangunahan natin ito bilang inyo...
27/07/2025

Kuha ito noong nakaraang clearing operations sa kasagsagan ng bagyong Dante at Emong. Pinangunahan natin ito bilang inyong lingkod, kasama ang ating mga masisipag na kawani at volunteers, para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa at maibalik agad ang kaayusan sa ating lugar.
Sa tulong ng pagkakaisa at malasakit ng bawat Bulalacaonon, nagiging matagumpay ang ating mga hakbang. Maraming salamat sa lahat ng tumulong at patuloy na naglilingkod para sa kapakanan ng ating bayan. 💙

Katuwang ang mga kasapi ng 28th Sangguniang Bayan, isinagawa po natin ngayong umaga ang isang Special Session upang idek...
26/07/2025

Katuwang ang mga kasapi ng 28th Sangguniang Bayan, isinagawa po natin ngayong umaga ang isang Special Session upang ideklara ang Bayan ng Naujan sa ilalim ng State of Calamity dahil sa naranasang matinding pagbaha sa ilang barangay, dulot ng habagat na lalo pang pinatindi ng mga Bagyong Dante at Emong.

Bagama’t idineklara na ang buong lalawigan sa ilalim ng State of Calamity, nakita po natin ang kahalagahan na maglabas rin ng hiwalay na deklarasyon para sa ating bayan upang mas mapabilis at mapalawak ang pagbibigay ng tulong sa mga kababayan nating labis na naapektuhan ng nagdaang kalamidad.

Maraming salamat po sa aking mga kapwa lingkod-bayan sa kanilang mabilis na tugon at pakikiisa. Nawa’y manatili tayong nagkakaisa sa gitna ng ganitong pagsubok.

Ingat po tayong lahat, at patuloy tayong manalangin para sa kaligtasan ng bawat Naujeño.



TINGNAN: Sa gitna ng unos, muling naghatid ng pag-asa ang ating lokal na pamahalaan. Sa pamumuno nina Mayor Robinhood Yl...
26/07/2025

TINGNAN: Sa gitna ng unos, muling naghatid ng pag-asa ang ating lokal na pamahalaan. Sa pamumuno nina Mayor Robinhood Ylagan at Vice Mayor Rocky Ilagan, isinagawa ang pamamahagi ng relief goods sa Brgy. Poblacion katuwang sa gawaing ito ang MSWDO, Community Affairs Office, at iba pang lingkod-bayan, ngayong araw, July 26, 2025.

26/07/2025

Southwestern College of Maritime, Business & Technology Inc.
COURSES OFFERED:
4 YRS. BS MARINE TRANSPORTATION (BSMT)
4 YRS. BS MARINE ENGINEERING (BSMarE)
4 YRS. BS HOSPITALITY MANAGEMENT (BSHM)
4 YRS. BS TOURISM MANAGEMENT (BSTM)
4 YRS. BS ENTREPRENEURSHIP (BSEntrep)
Southwestern College of Maritime, Business & Technology Inc.
ISO 9001:2015 CERTIFIED
"Early registration is now open!"
REGISTER NOW!

Mapagkakatiwalang  Insurance Company ba ang hanap mo⁉️Abay dito ka na sa subok na at sigurado‼️MILESTONE Guaranty and As...
26/07/2025

Mapagkakatiwalang Insurance Company ba ang hanap mo⁉️Abay dito ka na sa subok na at sigurado‼️
MILESTONE Guaranty and Assurance Corp. Calapan City Branch located at 2nd Floor,Edz Bldg.,Gov.Ignacio St., Brgy. Lumangbayan Calapan City Oriental Mindoro
Tel. No. (043-)288-5059

26/07/2025

NULIGHTS HARDWARE
Along National Highway Barangay Lalud Calapan City Oriental Mindoro
Dealer sila ng lahat ng klase ng electrical materials, plumbing, paints, tanks and lightings.
Whole sale and retail....San ka pa⁉️Mas mabilis,madali at maayos silang kausap❤
Lalud, Calapan city Oriental Mindoro.

26/07/2025

Program: SPORTS LANG PRE!
Host: Ronald "RM" Maganda
Date: July 26,2025

DISCLAIMER: The views and opinions expressed in this program are those of the speakers and do not necessarily reflects the views or positions of any entities they represent.

Isang taos-pusong tulong para sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo. 🙏💙Nagsagawa po tayo ng pamamahagi ng food pack...
26/07/2025

Isang taos-pusong tulong para sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo. 🙏💙
Nagsagawa po tayo ng pamamahagi ng food packs para kahit papaano ay maibsan ang hirap na kanilang pinagdadaanan. Sa panahon ng pagsubok, tayo ay magkakaagapay. Sama-sama tayong babangon, mahal kong Bulalacaonons!

26/07/2025

Blocktime Program:ULAT DAGITAB
Host:ORMECO INC.
Date:July 26,2025

Alamin ang mga pangyayaring may malaking kahalagahan at dagdag kaalaman para sa mga Member Consumer Owners ng ORMECO:

1. Emergency Total Blackout, Naranasan sa Buong Oriental Mindoro

2. KWH Meter Clustering, Isinagawa sa San Isidro, Victoria

3. ORMECO, Nagsagawa ng Maintenance Activity sa Gitna ng Ulan sa isang Barangay sa bayan ng Bongabong

Address

Calapan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MIB4 New Online Radio sa Pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category