JAB Blog

JAB Blog Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from JAB Blog, Digital creator, Calapan.

03/03/2025
28/02/2025
28/02/2025
28/02/2025

PNP STATEMENT SA UMANONG LEAKED MEMORANDUM

Pinanghahawakan ng Philippine National Police (PNP) ang pinakamataas na antas ng transparency, accountability, at integridad sa lahat ng aming operasyon at komunikasyon. Batid namin ang mga ulat tungkol sa isang umano’y leaked memorandum, at kasalukuyan naming bine-verify ang authenticity at konteksto nito.

Hindi kinukunsinti ng PNP ang anumang pagtatangkang manipulahin ang opinyon ng publiko o ilihis ang atensyon mula sa mahahalagang usapin. Naninindigan kami sa accountability at due process sa paghawak ng anumang paglabag na kinasasangkutan ng aming mga tauhan.

Patuloy din ang PNP sa pakikipag-ugnayan sa publiko sa tapat at responsableng paraan. Hinihikayat namin ang lahat na kumuha ng impormasyon mula sa mga mapagkakatiwalaang sources upang maiwasan ang maling balita at espekulasyon.

Mananatili ang PNP sa layunin nitong maglingkod at magprotekta sa sambayanang Pilipino nang may integridad, propesyonalismo, at paggalang sa batas.


28/02/2025

BAYANING PULIS, LIBRENG TULONG MEDIKAL HATID NG MATIBAY NA UGNAYAN NG PNP AT KOMUNIDAD

Sa diwa ng pagkakaisa at malasakit na binibigyang-diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., muling pinatunayan ng Philippine National Police (PNP) at mga katuwang sa komunidad ang matibay nilang ugnayan. Isa na namang kabayanihan ang ipinamalas ng Chinese General Hospital matapos nitong sagutin ang buong gastusin sa pagpapagamot ng isang pulis na nasugatan habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.

Si Patrolman Ruel Christian J. Manansala Hernandez ng Remedios PCP-Ermita Police Station (PS-5) sa ilalim ng Manila Police District (MPD) ay nagtamo ng bali sa binti at sugat sa mukha matapos salpukin ng isang tumatakas na suspek na sangkot sa ilegal na drag racing. Sa kabila ng panganib, buong tapang siyang nanindigan sa pagseserbisyo para sa kapayapaan at kaayusan.

Agad siyang isinugod sa Chinese General Hospital, kung saan siya ay inasikaso ng mga nangungunang doktor. Nakaiskedyul na ang kanyang operasyon sa sandaling dumating ang kinakailangang medikal na kagamitan.

Dahil sa umiiral na Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng MPD at Phil-Chinese Charitable Organization Inc., sasagutin ng ospital ang lahat ng gastusin sa pagpapagamot, na isang patunay ng patuloy na suporta para sa mga pulis na nasusugatan sa pagtupad ng kanilang tungkulin.

Nagpahayag ng pasasalamat si PNP Chief, Police General Rommel Francisco D. Marbil sa ipinakitang malasakit ng ospital: “Ito ang tunay na diwa ng Bayanihan. Araw-araw, iniaalay ng ating kapulisan ang kanilang buhay para protektahan ang mamamayan. Kaya naman, ang ganitong suporta mula sa ating mga katuwang sa komunidad ay napaka-inspirasyonal. Lubos naming pinasasalamatan ang Chinese General Hospital at ang Phil-Chinese Charitable Organization sa kanilang hindi matatawarang malasakit. Ang ganitong kabutihan ay lalong nagpapatibay sa relasyon ng pulisya at ng taumbayan."

Habang papatapos ang Buwan ng Pag-ibig, ang kabutihang ito ay nagpapaalala na ang malasakit at pagkakaisa ay may ripple effect—naghihikayat ng mas marami pang mabubuting gawa tungo sa mas ligtas at maunlad na lipunan. Sa tuloy-tuloy na suporta ng komunidad, nananatiling matatag ang PNP sa tungkuling protektahan at pagsilbihan ang bawat Pilipino.


Address

Calapan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JAB Blog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share