20/09/2026
CERES BUS NASUNOG SA TERMINAL SA ROXAS, ORIENTAL MINDORO
Tupok ang isang pampasaherong Ceres Bus matapos itong sumiklab sa Roxas Grand Terminal sa Barangay Bagumbayan, Roxas, Oriental Mindoro nitong umaga ng Linggo, Setyembre 20, 2026.
Batay sa ulat, nagsimula ang sunog dakong 8:00 ng umaga habang nakaparada ang bus sa loob ng terminal.
Rumesponde namana agad ang dalawang truck ng Bureau of Fire Protection (BFP) upang apulahin ang kumakalat na apoy.
Naisailalim sa kontrol at opisyal na idineklarang fire out ang insidente bandang 8:30 ng umaga.
Ligtas naman ang lahat at walang naitalang nasugatan o nasawi dahil walang sakay na pasahero ang bus nang mangyari ang insidente.
Patuloy pa ring inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy at ang kabuuang halaga ng napinsalang ari-arian.
*Credits to the rightful owners of the photos