16/06/2022
Status ng ORMECO muling pinag usapan,
Bagong talagang PS/AGM Dolor may apat na prayoridad sa kooperatiba
Bunsod ng global crisis in procuring fuel at zero o mababang supply ng mga renewable energy Powerplant kong kayat hanggang ngayon ay nakakaranas parin tayo ng power shortage sa kalahakhang Oriental mindoro
Nabangit din ni Engr. Humphrey A. Dolor ang delay of delivery ng bumabyaheng barko ng may dala ng dangerous cargo na kong saan iisang barko lamang ang bumabyahe sa loob ng isang araw kong kayat inilalapit niya ito sa Provincial Government na baka matulungan na maging madalas ang byahe ng barko na naglalaman ng naturang cargo.
Sa ngayon halos 60MW ang demand na kailangan ng ORMECO subalit may 50MW lang actual na supply at kulang ng 10MW kayat pina- iiral parin ang loadshedding sa ibang area ng lalawigan.
Ayon sa bagong Ps/AMG Dolor sa loob ng anim buwan nang kanyang panunungkulan ay may apat umano siyang prioridad na uunahin sa cooperatiba
Supply Sufficiency -itoy wag dapat magkaroon ng kakulangan ng supply para maibigay ang tamang serbisyo para sa mga consumers..
System loss reduction upang mabawsan ang dagdag singil na naipapasa sa mga konsyumedores .
Collection efficiency- pag singil sa mga consumers na may utang pa sa ORMECO.
Operational Expenses o mabawasan ang mga gastusin pero hindi dapat maapektuhan ang serbisyo.
Nanawagan din ang ORMECO sa lahat ng may pagkakautang pa sa kooperatiba na sana magbayad na po sila ng kanilang matagal ng bill sa kuryente
Panghuli, hinihiling ni Engr. Dolor ang pakikipag tulungan ng lokal na mamahayag na makiisa para maipaabot ang impormasyon o update ng kasalukuyang sitwasyon ng ORMECO.
Nag uulat Marc Ambos
Kalahi online news center