15/05/2025
MAS PINILI KO ANG BOYFRIEND KO, NGAYON NAGSISISI NA AKO
πPebrero 14, 2021
Dear Kuya Mid,
Kung may babalikan lang akong araw sa buhay ko, βyung araw na pinili ko siyaβ¦ βyon βyung gusto kong burahin. Gusto kong sigawan ang sarili ko. Gusto kong kaladkarin βyung batang Elena na akala niya, sapat ang pagmamahal para panindigan ang maling tao.
Magkaibigan kami ni Mico simula pa elementary. Hindi kami close dati. Pero nung high school, naging tropa kami. Walang araw na hindi niya ako pinapatawa. Lagi siyang may dalang chichirya para saβkin. Lagi siyang nakabantay kapag may mga lalaking nanliligaw na mukhang manloloko. Tinuturing niya akong parang prinsesa.
Pero hindi ko siya pinili.
Dumating si Jansenββyung tipo ng lalaking may motor, may gitara, at may mga mata na parang may lihim. Wala siyang effort. Wala siyang pangarap. Pero Kuya Mid, ewan ko kung bakit ang puso ko, parang bata na sumunod agad sa pagkislap ng panandaliang kilig.
Ayaw sa kanya ni Mico. Galit siya nung nalaman niyang kami na.
"Ayoko lang makita kang umiiyak sa huli," sabi niya.
Pero ang tanga ko, ang kapal ng mukha ko. Ako pa ang nagalit.
"Ano bang problema mo? Naiinggit ka lang kasi hindi ikaw ang pinili ko!"
βYun ang huling beses na nag-usap kami.
At tuluyan na siyang lumayo.
Sa una, masaya kami ni Jansen. Date dito, lambing doon. Pero makalipas lang ang ilang buwan, unti-unting lumabas ang totoo.
Seloso. Mainitin ang ulo. Tamad. Babaero. Madalas siyang mawala ng ilang araw. Hindi ko na mabilang kung ilang beses niya akong niloko. Pero binalewala ko.
Kasi iniwan ko si Mico para sa kanya.
At ayokong masayang βyung pinaglaban ko.
Hanggang dumating ang araw na sinaktan niya akoβhindi lang emosyonal, kundi pisikal.
Isang gabi, nakita ko siya sa mall kasama ang ibang babae. Nilapitan ko. Pinagalitan ko.
At doon niya ako sinampal. Sa harap ng lahat.
Wala siyang takot. Wala siyang awa.
Tumakbo ako pauwi, durog. Punit. Wasak.
Pagdating ko sa bahay, wala na akong ibang naisip kundi si Mico.
βYung