Builders Pandayan

Builders Pandayan The Official Student Publication of Mindoro State University-Calapan City Campus

๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—•๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ | Maraming nalubog, marami ang hindi alam kung paanong aalis sa delikadong sitwasyon, ngunit ma...
25/07/2025

๐—ฆ๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—”๐—š๐—ฆ๐—”๐—Ÿ๐—•๐—” ๐—ก๐—š ๐—•๐—จ๐—›๐—”๐—ฌ | Maraming nalubog, marami ang hindi alam kung paanong aalis sa delikadong sitwasyon, ngunit may mga matatapang na ito ay sinuong nang may buhay na maligtas.

Silang tunay na matatag. Ganito inilarawan ng dating Literary Editor at Cartoonist ng Builders Pandayan na si John Ermar Alumisin (Zer Erms) ang kabayanihan na muling nangibabaw nitong nagdaang kalamidad.

๐Š๐š๐ฆ๐ข'๐ฒ ๐ฌ๐š๐ฅ๐ฎ๐๐จ ๐ฌ๐š ๐ข๐ง๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐ฌ๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐š๐ญ ๐ฌ๐š๐ค๐ซ๐ข๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ

"Sa gitna ng baha at bagyo, ang inyong puso ang tunay na matatag"

๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฆ๐—จ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ต๐—ฎPatuloy ang pagtaas ng tubig sa loob ng Mindoro State University - Calapan...
24/07/2025

๐— ๐—ถ๐—ป๐—ฆ๐—จ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜† ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜‚๐˜€ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐—ฟ๐—ถ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ต๐—ฎ

Patuloy ang pagtaas ng tubig sa loob ng Mindoro State University - Calapan City Campus bunsod ng hindi pa rin tumitigil na pag-ulan sa lalawigan.

Sa mga larawang kuha ng Auxiliary and General Services ngayong hapon, Hulyo 24, bukod sa dati nang binabahang unahang bahagi ng kampus mula sa Gate 1, apektado na rin ang marami pang bahagi ng pamantasan.

Via John Paul Olla
Larawan: Auxiliary and General Services

๐Ÿญ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—”๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ต๐—ฎDahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan dulot ng Habagat at Ba...
24/07/2025

๐Ÿญ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ป ๐—–๐—ถ๐˜๐˜†, ๐—”๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ต๐—ฎ

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng malalakas na ulan dulot ng Habagat at Bagyong Dante, inabot na ng baha ang ilang paaralan sa Lungsod ng Calapan, ayon sa ulat ng schools division office nito, Hulyo 24.

Kabilang sa mga pinasok na ng tubig at ilang lubog na sa baha ang mga sumusunod:

Bucayao Elementary School
Gutad Elementary School
Caguisikan Elementary School
Bucayao National High School
Nag-Iba Elementary School
Buhuan Elementary School
Nag-Iba National High School
F. Samaco Memorial School
Patas Elementary School
Sta. Cruz Elementary School.

Dalawang paaralan naman ang ginawa nang pansamantalang evacuation center ng mga apektadong residente.

Hanggang ngayong araw, nananatiling suspendido ang pasok sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Oriental Mindoro.

Via Zainne Devie Arandia
Larawan: DepEd Calapan City/Schools DRRM

๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž: ๐—›๐—จ๐—Ÿ๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฑInanunsyo na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagkansela ng pasok s...
23/07/2025

๐—ช๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—ข๐—ž: ๐—›๐—จ๐—Ÿ๐—ฌ๐—ข ๐Ÿฎ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฑ

Inanunsyo na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagkansela ng pasok sa lahat ng antas ng klase at sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Oriental Mindoro at iba pang apektadong lalawigan, bukas, Hulyo 24, 2025.

Dulot pa rin ito ng walang tigil na buhos ng ulan dulot ng habagat at Tropical Depression Dante. Isa pang tropical storm na pinangalanang Emong ang namuo at patuloy na binabantayan ng PAG-ASA.

Mag-ingat, maging alerto, at manatiling nakabantay sa mga susunod pang balita.

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป, ๐—•๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ผ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ต๐—ฎ; ๐—ง๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—œ๐—น๐—ผ๐—ด, ๐—จ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—นLubog na naman sa baha ang...
23/07/2025

๐— ๐—ด๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป ๐˜€๐—ฎ ๐—–๐—ฎ๐—ด๐˜‚๐—ถ๐˜€๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—ป, ๐—•๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ผ ๐—Ÿ๐˜‚๐—ฏ๐—ผ๐—ด ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐—ต๐—ฎ; ๐—ง๐˜‚๐—ฏ๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—œ๐—น๐—ผ๐—ด, ๐—จ๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ผ๐˜ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—ž๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ธ๐—ฎ๐—น

Lubog na naman sa baha ang Caguisikan Elementary School sa Brgy. Gutad, Calapan City matapos na muling tumaas ang lebel ng tubig sa lugar dahil sa tuloy-tuloy na buhos ng ulan, ayon sa mga larawang kuha ng g**o na si Mykel Angelo Matchimura.

Isa sa mga itinuturong na dahilan ay ang ilog sa likod ng paaralan, na mabilis umapaw. Hindi na ito bago sa mga g**o at residente, na taun-taong nakararanas ng parehong sitwasyon.

Samantala, sa Brgy. Bucayao, iniulat ng Provincial Information Office (PIO) ng Oriental Mindoro na umabot na sa 25 sentimetro ang taas ng tubig baha sa lugar. Kabilang na dito ang Bucayao Elementary School na apektado rin ng pagbaha.

Ayon pa sa PIO, pareho nang nasa critical level ang dalawang malalaking ilog ng Panggalaan River at Bucayao River na kapwa matatagpuan sa Lungsod ng Calapan.

Ang patuloy na pagtaas ng tubig sa mga ilog ay nagdudulot naman ng pangamba sa mga residente sa mas malawak pang epekto, lalo na kung magpapatuloy ang masamang panahon sa mga susunod na oras.

Manatiling nakasubaybay sa updates mula sa local government at maging handa sa lahat ng sitwasyon.

Via John Nicole Buรฑag
Photo Courtesy:
FB/Mykel Angelo Matchimura
FB/Provincial Information Office

22/07/2025

โ€œ๐—ก๐—ฎ๐—ถ๐˜†๐—ฎ๐—ธ ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—ฏ๐—ถ๐—ด๐—น๐—ฎ, ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐˜†๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐˜‚๐—ต๐—ฎ๐˜† ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ.โ€

Ito ang emosyonal na pahayag ng isang magsasaka mula sa Abra de Ilog, Occidental Mindoro matapos masaksihan ang paglubog sa baha at pagkaanod ng kanyang mga punlang palay dahil sa biglaang buhos ng ulan kahapon, Hulyo 22.

Sa isang video na inupload ni Divina Christy C. Casison sa Facebook, makikitang lubog sa tubig ang malawak na palayan habang pilit sinasalba ng ilang magsasaka ang natitirang mga punla, hindi alintana ang patuloy na buhos ng ulan sa kanilang lugar.

Ayon pa sa uploader na tenant lang din sa sakahan nang tanungin ng Builders Pandayan, โ€œKahapon lang po talaga iyon nangyari. Merong tubig noong kelan pero hindi po ganon.โ€

Aniya pa, siya mismo ang nagtatanim sa palayan kaya dama niya ang bigat ng sitwasyon.

Bagamat bumaba na ang lebel sa ngayon, nananatiling lubog ang lupang sakahan.

โ€œMedyo matubig pa din po siya pero di na ganoon kataas. Pabugso-bugso po ang pag-ulan pero malakas po talaga,โ€ dagdag pa ni Casison.

Hindi ito ang unang beses na napabalita ang Occcidental Mindoro ngayong panahon ng habagar dahil nitong nakaraang linggo pang lubog sa baha ang probinsya.

Via Ellie Rose Almeda
Video Courtesy: Divina Christy C. Casison

๐—•๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜€-๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฅ๐— ๐—˜๐—–๐—ข ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ; ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ '๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜' ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎInanunsyo ngay...
22/07/2025

๐—•๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐˜€-๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ธ๐˜‚๐—ฟ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐—ถ๐—ฝ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐˜๐˜‚๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฅ๐— ๐—˜๐—–๐—ข ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—น๐˜†๐—ผ; ๐—ฝ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ธ๐—ผ ๐—ฑ๐—ถ๐˜€๐—บ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ ๐˜€๐—ฎ '๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐˜' ๐—ป๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ

Inanunsyo ngayong araw, Hulyo 22, ng Oriental Mindoro Electric Cooperative (ORMECO) ang bahagyang pagbaba sa presyo ng kuryente sa lalawigan. Gayunpaman, hindi ito ikinatuwa ng maraming residente, na umaasa sa mas malaking bawas ayon sa naging pahayag ng gobernador noong Abril.

Ngayong buwan, โ‚ฑ15.5548 ang magiging singil sa bawat kilowatt-hour (kWh), mas mababa ng โ‚ฑ0.1757 kumpara sa โ‚ฑ15.7305/kWh noong Hunyo. Ayon sa ORMECO, ito ay bunga ng mas maayos na kondisyon ng suplay at mas epektibong pamamahala sa gastusin ng mga pinagkukunan ng kuryente.

Sa kabila ng bahagyang pagbaba, bumuhos pa rin ang mga komento ng pagkadismaya sa Facebook post ng ORMECO.

Isa sa mga residente ang nagsabing ang pagbaba ng singil ay isa lamang โ€œkwento,โ€ at tinawag pa itong โ€œsinungaling pangakong budol.โ€

"โ€˜Asan na kaya yung 7 pesos na sinasabi? Haha grabe siya," ayon sa isa pang nagkomento.

โ€œNasaan na yung pangako ngayong July na 7 pesos per kWh? Nabudol ang Mindoreรฑos,โ€ dagdag pa ng isa.

Bagamat nilinaw na ang ipinangakong pagbaba ni Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor ay sa generation cost lamang at hindi sa kabuuang electricity rate, umani pa rin ng matinding reaksiyon ang dating pahayag ng gobernador noong Abril.

โ€œMababang presyo, maaasahang suplay. Mula Hulyo, mararamdaman na ng mamamayan ang ginhawa at bunga ng ating pagpapagal. Inaaasahang bababa ito sa โ‚ฑ7.39/kWh na generation cost,โ€ ani Dolor sa isang pahayag.

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | Suspendido ang pasok sa lahat ng antas ng klase at sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Oriental Mindoro at iba p...
22/07/2025

๐—๐—จ๐—ฆ๐—ง ๐—œ๐—ก | Suspendido ang pasok sa lahat ng antas ng klase at sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Oriental Mindoro at iba pang piling mga lalawigan, bukas Hulyo 23, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.

Ayon ang suspensyon sa inilabas na Memorandum Circular No. 90 ng Office the President ngayong araw.

Mananatiling namang bukas ang mga ahensyang may essential services gaya ng kalusugan, seguridad, at disaster response upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo.

Samantalang ang mga non-vital employees ng ahensyang may essential services ay maaaring magtrabaho sa ilalim ng alternative work arrangements.

via Presidential Communications Office

๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ข๐——//john paul ollaMabilis pa sa KAGAT ng liwanag ang paghapon ng TAGAK sa likod ng kalabaw.Gaya nang KURAP n...
20/07/2025

๐—”๐—ก๐—œ๐—ก๐—ข ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ข๐——
//john paul olla

Mabilis pa sa KAGAT ng liwanag ang paghapon ng TAGAK sa likod ng kalabaw.
Gaya nang KURAP ng mata at PURAK ng ibon sa madaling araw.
Ang awtomatikong PAGPULAS ay ang PAGSAPUL sa oras nang pagbangon.
Pagsisimula ng bagong ARAW at AWRA sa maghapon.

Maghapon ay UBOS ang ilang SUBO ng kanin,
Kanin na LAKAS sa SAKAL ng araling susuongin.
SUSUONGIN at SUSUNOGIN ang kilay para sa pangarap.
Pangarap na PAKAY sa YAKAP ng tagumpay.

Hirap ay LATAG sa TAGAL ng pag-usad
HININGA ay HINAING sa bawat pagsalag
Haplos ng pagodโ€” hikab ang hangad
Himlay ang nais kahit libro ang latag.

Alam ko na wala kang pahinga
Bakasyon ay hindi mo nakasama
Puro pagod ang siyang nadarama
Subalit may suloy naโ€” malapit ng mamunga.

Saksi akoโ€”kami sa sakripisyo mong buhat-buhat.
Maliban sa bitbit mong bag na may laman-lamang aklat.
Ang mabilis mong paglakad sa kagyat na pagpaspas
Kahanga-hanga ka sa sipag mong ipinamalas.

Huwag kang hihinto, padayon ka't sumulong.
Pakinig ko ang yabagโ€” tagumpay ay umaalulong.
Matakluban man ng alikabok ang kintab ng iyong sapatos,
Mabasa man ng ulan sa baha'y ibinuhos.

Tandaan mong may nakapapansin sa'yong mga ginagawa.
Marahil hindi lantad kung kaya't hindi mo makita.
Subalit andito kami at sayo'y naniniwala.
Mahusay ka at magaling! Magtiwala.

Dinuho ni John Paul Olla

๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ | Sementado na ang paligid ng lawa sa loob ng Calapan City Campus na bahagi ng patuloy na konstruksyon ng Man-Mad...
20/07/2025

๐—จ๐—ฃ๐——๐—”๐—ง๐—˜ | Sementado na ang paligid ng lawa sa loob ng Calapan City Campus na bahagi ng patuloy na konstruksyon ng Man-Made Lake and Park Development sa Mindoro State University batay sa mga larawan nitong Biyernes, Hulyo 18.

Mula pa noong Marso ngayong taon nang simulan ang pagsasaayos ng pinakabagong parke sa lalawigan, tuloy-tuloy pa rin ang pag-usad ng proyekto sa ngayon kabilang na ang isinasagawang tulay na mag-uugnay sa gitna ng lawa.

Bagamat hindi pa ito bukas sa publiko, nananatiling nakaabang ang mga estudyante, kawani, at mamamayan sa inaasahang resulta ng proyektong nagkakahalaga ng โ‚ฑ19 milyon na pinondohan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro.

Via Alvincent Adora
Larawang kuha ni Jhon Carlo Landicho

"๐—œ ๐˜๐—ต๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต๐˜ ๐—œ ๐˜„๐—ผ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ณ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜:" ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฎ๐—ผ ๐—›๐—ผ๐—น๐—ฑ๐˜€ ๐—›๐—ถ๐˜€ ๐—ข๐˜„๐—ป ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—™๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜; ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น, ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐——๐—ฒ๐—น๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ช๐—ถ๐—ป๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€โ€Žโ€ŽFi...
20/07/2025

"๐—œ ๐˜๐—ต๐—ผ๐˜‚๐—ด๐—ต๐˜ ๐—œ ๐˜„๐—ผ๐—ป ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ณ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜:" ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ๐—พ๐˜‚๐—ถ๐—ฎ๐—ผ ๐—›๐—ผ๐—น๐—ฑ๐˜€ ๐—›๐—ถ๐˜€ ๐—ข๐˜„๐—ป ๐—ถ๐—ป ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฒ๐—ฏ๐—ฎ๐—ฐ๐—ธ ๐—™๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜; ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น, ๐— ๐—ฎ๐—ด๐˜€๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐——๐—ฒ๐—น๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ ๐—ช๐—ถ๐—ป๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€
โ€Ž
โ€ŽFilipino boxing legend Manny Pacquiao defied age and expectations in his highly anticipated return to the ring, battling WBC welterweight champion Mario Barrios to a majority draw on July 20 at the MGM Grand Garden Arena in Las Vegas. Though the result allowed Barrios to retain his title, Pacquiaoโ€™s performance at 46 years old, and after years of retirement was nothing short of remarkable.

โ€Ž"I thought I won the fight. I mean, it was a close fight. My opponent was very tough. But it was a wonderful fight," Pacquiao said.

โ€ŽDespite being outlanded in jabs (45 to 20), Pacquiao reminded the world why heโ€™s one of the sportโ€™s all-time greats, showcasing flashes of his trademark speed, and relentless spirit that once made him an eight-division world champion. The crowd roared with every vintage flurry, as the boxing Hall of Famer repeatedly pressed the action against the younger, fresher titleholder.
โ€Ž
โ€ŽEarlier on the undercard, Olympic bronze medalist Eumir Marcial opened the night strong for the Philippines with a knockout win over Bernard Joseph, pushing his record to 6-0 (4 KOs). Later, Mark โ€œMagnificoโ€ Magsayo continued the Filipino momentum with a dominant unanimous decision victory over Mexicoโ€™s Jorge Mata, capturing the WBC Continental Americas Super Featherweight title with lopsided scores of 98-92, 100-90, and 100-90.

via John Miguel De Guzman

Address

Calapan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Builders Pandayan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Builders Pandayan:

Share

Category