
31/07/2025
๐๐๐๐๐ข๐ ๐ก๐ญ | Ngiting Naiwan sa Hangin
๐๐ณ๐ช๐ต๐ต๐ฆ๐ฏ ๐ฃ๐บ ๐๐ข. ๐๐ฏ๐จ๐ฆ๐ญ๐ช๐ค๐ข ๐๐ฎ๐ช๐ด๐ต๐ฐ๐ด๐ฐ
Isang mainit na hapon. Nakisilong muna sa isang waiting shed, kalawangin ang bubong, bitak-bitak ang semento, may bakas ng pagod sa bawat sulok. Sa may bakuran, nakakabit pa rin ang tarpaulin ng isang lisensyadong nurse. Matagal na โyon doon. Kupas na ang mukha pero bakas pa rin ang ngiti, maliwanag ang ngiti nung nurse. Kasing liwanag ng bagong bukas na inaasahang dadatnan niya.
Hindi yun dumating. Nagsinungaling ba siya? Hindi ko na alam. Basta, hindi mo rin siya masisisi. Lahat ng pangangarap ay naguumpisa sa kamusmusan ng mga hangal. Pagkatapos nun, saka mo lang makikita ang katotohonan na 'di pala ganun kadali ang buhay. May napakalaking agwat pala na pumapagitan sa mga pangarap natin at sa realidad na ginagalawan natin. At parating huli na nating napagtatanto ang agwat na yun. Minsan, kailangan pa nating mahulog do'n para magising tayo.
May klasmeyt ako dati sa hayskul. Maganda boses. Idol niya si Taylor Swift. Nung tinanong kami isa-isa ano gusto namin maging paglaki, proud na proud siyang sumagot na magiging isa siyang sikat na pop superstar. Nagkita kami kahapon sa Jollibee. Nilista niya mga order ko kasi ang haba ng pila sa counter. Hindi ko alam anong nangyari sa buhay niya. Hindi ko din alam kung may plano pa din ba siyang maging pop superstar. Gusto ko siyang tanungin tungkol do'n. Naniniwala pa rin ba siya do'n? Kinakati pa rin ba siya sa gabi ng pangarap na yun?
Pero, 'di lumabas sa bibig ko ang mga tanong.
Mga walang kwentang bagay lang ang napagusapan namin. Tsaka mabilis lang din kasi nilista niya nga yung order ko.
Sabi nila libre lang mangarap. Sabi ko naman, sinabi lang nila 'yan kasi takot sila sa katotohanan na hindi libreng mangarap. Parating may hinihinging kapalit ang maiingay na hinaing ng puso. Ultimo ang 'di pag sunod do'n ay pagbabayaran mo din. Kaya naman ang taas ng paglipad ng pangarap mo, ay pagbabayaran mo ng sakit, sa sandaling mahuhulog ka sa katotohanang 'di ka pala nakakalipad.
Kaya matapang ang sinumang nangangarap.
Gusto kong mag-tirik ng kandila at maglagay ng bulaklak sa puntod ng yumaong 'di na natin masisilayan pa. Pero, wala akong makitang puntod.
๐๐๐๐๐ข๐ ๐ก๐ญโThis collection embodies the true spirit of journalism: an unwavering pursuit of truth, a commitment to public service, and the courage to turn pen into power. We invite you to explore our takes on current issues through a diverse range of content, including comics, sports editorials, opinion pieces, and feature articles, all crafted to spark conversation and promote public discourse.