22/10/2025
𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗘𝗗 𝗚𝗔𝗗𝗜𝗔𝗡𝗢, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗕𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗗𝗜𝗥𝗜𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗠𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗙𝗘𝗦𝗧𝗜𝗩𝗔𝗟 𝟮𝟬𝟮𝟱 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗠𝗕𝗨𝗥𝗔𝗢
Sa patuloy na pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at pagpapanatili ng yamang likas ng lalawigan, nakibahagi si 𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗡𝗢𝗥 𝗘𝗗 𝗚𝗔𝗗𝗜𝗔𝗡𝗢 sa pagdiriwang ng Tamaraw Festival 2025 na ginanap nitong Oktubre 21, 2025, sa bayan ng Mamburao.
Sa nasabing selebrasyon, kinilala ang mga katuwang sa konserbasyon ng tamaraw sa pamamagitan ng Tamaraw Rangers Citation at Rescue Team Awards bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa pangangalaga sa natatanging hayop na sagisag ng lakas at tatag ng mga Mindoreño.
Kabilang din sa mga mahahalagang bahagi ng programa ang panunumpa ng mga Katutubong Bantay Tamaraw, induction ng mga Tamaraw Conservation Ambassadors at IP Ambassador, at ang pagpirma ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng DENR at mga conservation partners.
Isinagawa rin ang Programang Handog Titulo mula sa DENR para sa mga benepisyaryong institusyon, na sumisimbolo ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan tungo sa maayos na pamamahala ng lupaing ninuno at likas na yaman ng lalawigan.
Binigyang inspirasyon ni Gov. Ed ang mga dumalo sa pamamagitan ng kanyang mensahe kung saan tinuran niya ang kahalagahan ng pagkakaisa ng pamahalaan, pribadong sektor, at mga katutubo sa patuloy na pangangalaga sa kalikasan.
Samantala, katuwang din sa matagumpay na paglulunsad ng naturang program ang tanggapan ng DENR- MIMAROPA Region, DENR - Occidental Mindoro, Provincial Environment and Natural Resources Office (ENRO), Sangguniang Panlalawigan, mga Lokal na Pamahalaan, iba pang mga katuwang na ahensya, at mga mahahalagang panauhin.
𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢!
𝗚𝗔𝗡𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔, 𝗠𝗔𝗦 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗣𝗔!