03/12/2024
LEE SA DOH, PHILHEALTH: BAYARAN ANG MGA HINDI NABAYARANG BILL NG MGA MAHIHIRAP NA PASYENTE, PAHUSAYIN ANG MGA KINAKAILANGANG DOKUMENTO PARA SA MGA CLAIM
Hinimok ni Manoy Wilbert โWiseโ Lee ang Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bayaran ang mga hindi nabayarang hospital bills ng mga mahihirap at mga pasyenteng walang kakayahang pinansyal sa mga pribado at pampublikong ospital na madalas nagiging sanhi ng pagkaantala ng paggamot at pagtanggi ng pangangalaga.
Sa pagsasampa ng House Resolution No. 2104, binigyang-diin ni Lee ang kahalagahan ng epektibong pagpapatupad ng Republic Act No. 11223 o ang "Universal Health Care Act" na nag-aatas sa mga nabanggit na ahensya na magpatupad ng komprehensibong serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng mga Pilipino.
โAng UHC Act, na nilagdaan noong 2019, ay nagsisiguro na lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng access sa komprehensibong serbisyong pangkalusugan, kabilang na ang outpatient services at specialty care. Ilang taon na ang nakalipas mula nang maipatupad ito ngunit patuloy na nagdurusa ang mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap, dahil sa kakulangan ng pangangalaga sa ospital,โ saad ni Lee.
Binanggit din ng mambabatas mula sa Bicol na kailangang tugunan ng DOH at PhilHealth ang mabibigat na proseso at mga kinakailangang dokumento para sa mga claim na siyang pangunahing hadlang sa mga ospital at pasyente, lalo na ang mga mahihirap na wala nang kakayahan, kaalaman, o suporta upang malampasan ang mga komplikadong proseso sa tamang oras.
โSimplehan, pabilisin, at gawing mas magaan ang mga kinakailangang dokumento para sa mga ospital at pasyente. Pagaanin natin ang pasanin ng mga pasyente at kanilang pamilya na.