23/08/2025
✅✅ POLICE FILES ‼️
7 gramo ng Shabu huli ang isang tulak.
Calapan City – Huli sa akto ang isang lalaki sa ikinasang buy bust operation ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) SOU 4B sa pangunguna ni PLt. Tristan A. Ambata sa ilalim ng pamamahala ni Commander PCol. Dionisio D. Bonoy, kasama sa naturang operasyon ang RPDEU 4B, atCalapan City Police Station, nito lamang Agosto 20, 2025 ganap na 8:30 ng gabi sa Barangay Lumang Bayan, Lungsod ng Calapan, Oriental Mindoro.
Ang suspek ay si alyas LAKE, 48 taong gulang, may asawa, walang trabaho at residente ng nasabing Brgy.
Samantala, ang naarestong suspek ay pinaalam sa kanyang mga karapatan sa konstitusyon sa dialektong Tagalog. Dagdag pa dito, ang mga pagmamarka, pagkuha ng mga litrato, at imbentaryo ay isinagawa sa lugar ng operasyon sa harap ng Elected Brgy.Official at Media Representative.
Matapos makabili ang poseur buyer kay LAKE na illegal na droga, agad itong dinakip. Nakuha sa suspek ang Isang (1) pirasong heat – sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang Methamphetamine Hydrochloride (SHABU), may tinatayang bigat na MOL 5 gramo. Mayroon pa din na itong Isang (1) pirasong heat – sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang Methamphetamine Hydrochloride (SHABU), ang tinatayang bigat na MOL 2 gramo. Dagdag pa, ang tinantyang bigat ng nasamsam/nakumpiskang ilegal na droga ay MOL 7gramo na may Standard Drug Price (SDP) na nagkakahalaga ng Php 47,600.00
Kasama sa nakuha sa suspek ang Isang (1) pirasong Genuine One Thousand Peso Bill mayroon serial no.AR4216139 at labing anim (16) pirasong boodle money; Isang (1) yunit ng Cellphone Infinix kulay itim; Isang (1) pirasong leather wallet kulay itim; at Isang (1) pirasong Driver License ID.
Sa inisyal na imbestigasyon si “LAKE” ay matagal ng sinusubaybayan ng PDEG dahil sa kanya umanong pagbebenta ng ilegal na droga sa nabanggit na lugar, mayroon pa umanong mga bumibili sa suspek na taga ibang lugar sa Lungsod.
Kasong paglabag sa Seksyon 5 at Seksyon 11 Art. II ng RA 9165, o mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, ang isasampang kaso laban sa suspek.
📝📸 MTLP Correspondent
Office of the Chief PNP
Police Regional Office Mimaropa
Oriental Mindoro PPO
Oriental Mindoro PPO PCR
PDEA Regional Office Mimaropa
Pdea Ormin PO
Calapan City Police Station