TCN Digital

TCN Digital PGOM and Philippine News Updates

TCN is the official radio program of the Provincial Government of Oriental Mindoro produced and managed by the Public Information Services Division (PISD) Radio Production Section. The program is broadcast accross multiple radio stations throughout the province serving as a key platform for delivering important government updates, news and public service information to the community.

22/07/2025

| Weather Update: Malalakas na Pag-ulan sa Ilang Bahagi ng Timog-Luzon at MIMAROPA

Naglabas ang PAGASA ng Rainfall Advisory No. 3 ngayong alas-2 ng madaling-araw, Hulyo 23, 2025, dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.

Inaasahan ang katamtaman hanggang malalakas na ulan sa susunod na 2–3 oras sa mga piling bahagi ng:

Catanduanes
Camarines Sur
Northern Samar
Sorsogon
Albay
Oriental Mindoro (Bansud, Bongabong, Gloria, Mansalay, Pinamalayan, Pola, Roxas, Socorro)

Samantala, kasalukuyang nararanasan ang pag-ulan sa mga bahagi ng:

Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Northern Samar, Oriental Mindoro (Calapan, Naujan, Victoria, San Teodoro, Bulalacao, Baco, Puerto Galera), at Romblon

Pinapayuhan ang publiko at mga DRRMOs na patuloy na mag-monitor at abangan ang susunod na abiso sa alas-5 ng umaga.




22/07/2025
22/07/2025
22/07/2025

24/06/2025

Lungos at Alag River sa Baco, Isasailalim sa Malawakang Dredging Kontra-Baha

Isasailalim sa malakihang river dredging ang Lungos at Alag River sa Baco, Oriental Mindoro bilang bahagi ng River Restoration Project na layong maibsan ang matagal nang problema sa pagbaha sa lugar. Nagsagawa ng public consultation noong Hunyo 23 sa Brgy. Water, Baco, na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna ni Governor Bonz Dolor, katuwang sina Mayor Allan Roldan at Vice Mayor-elect Eric Castillo, kasama ang DENR, DPWH, at Bird’s Nest Resources Corporation na siyang proponent ng proyekto.

Ipinunto sa konsultasyon na ang matagal nang naipong sediment at bara sa mga ilog ang pangunahing sanhi ng mabagal na agos ng tubig at pagbaha. Sa pamamagitan ng malawakang dredging, inaasahang magiging mas mabilis ang daloy ng tubig tuwing tag-ulan, at mababawasan ang panganib ng pagbaha sa kabayanan at kalapit-barangay.

Matapos ang mga presentasyon at paliwanag, positibo ang naging pagtanggap ng mga residente at barangay officials. Tiniyak din ni Gov. Dolor ang tulong para sa mga mangingisdang maaapektuhan, kabilang ang scholarship, alternatibong kabuhayan, at protection d**e sa mga dredging site.

Ang Lungos at Alag River ay kabilang sa pitong pangunahing ilog sa lalawigan na sasailalim sa proyekto, kabilang ang Wasig, Cagancan, Bongabong, Balete, Mag-asawang Tubig, at Bucayao-Silonay River.

Sa kabila ng magkaibang partido, pinatunayan nina Gov. Dolor at Mayor Roldan ang pagtutulungan para sa kapakanan ng mga Bacoeño.

MAS PINALAWAK NA KINDER CUT-OFF AGE, IPINATUPAD NA NG DEPED ALINSUNOD SA UTOS NI PANGULONG MARCOS |  Upang mas mapalawak...
05/06/2025

MAS PINALAWAK NA KINDER CUT-OFF AGE, IPINATUPAD NA NG DEPED ALINSUNOD SA UTOS NI PANGULONG MARCOS | Upang mas mapalawak ang access ng mga batang Pilipino sa maagang edukasyon, ipinatupad na ng Department of Education (DepEd) ang bagong polisiya na nagpapalawak sa Kinder cut-off age, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Nakasaad ito sa DepEd Order No. 015, s. 2025, na nagsusog sa naunang DepEd Order No. 47, s. 2016, o ang Omnibus Policy on Kindergarten Education, na una nang naamyendahan noong 2018.

Sa ilalim ng bagong patakaran, layunin ng DepEd na alisin ang mga hadlang sa maagang pag-aaral ng mga bata, kabilang na ang mahigpit na age requirement. Sa halip, binibigyang-laya na ang mga paaralan na tumanggap ng mas batang learners sa Kindergarten, basta't pasok pa rin sa itinakdang academic readiness criteria.

Ayon sa DepEd, ito ay bahagi ng mas malawak na adbokasiya ng administrasyong Marcos na tiyaking "walang batang maiiwan sa Bagong Pilipinas." Tinutugunan din nito ang panawagan ng mga magulang, g**o, at education stakeholders na muling suriin ang dating cut-off na umano’y nagdudulot ng pagkaantala sa pagsisimula ng pag-aaral ng ilang bata.

Ang dating cut-off age na 5 years old on or before August 31 ay mas pinaluwag na, na nagbibigay-daan sa mga batang turning 5 kahit lampas sa cut-off date, depende sa assessment ng kanilang readiness at learning capacity. Layunin nitong bigyang konsiderasyon ang developmental diversity ng mga bata at maiwasan ang hindi kinakailangang pag-antala sa kanilang edukasyon.

Naglabas na rin ang DepEd ng mga panuntunan para sa implementasyon ng bagong patakaran, kabilang ang gabay para sa mga paaralan sa tamang assessment ng mga bata at pagpapalawig ng mga orientation program para sa mga magulang.

Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na:
"Ang edukasyon ay hindi dapat hadlangan ng petsa ng kapanganakan. Sa ilalim ng Bagong Pilipinas, binubuksan natin ang mas maraming pintuan para sa kabataang Pilipino na makapagsimula ng maayos at mas maaga sa kanilang educational journey."

Para sa kabuuang detalye ng bagong patakaran, maaaring bisitahin ang:
🔗 DepEd Order No. 015, s. 2025

Source: Department of Education

Mahigit 90,000 Official Ballots para sa NLE 2025, dumating na sa Calapan CityDumating na ang mahigit 90,000 official bal...
01/05/2025

Mahigit 90,000 Official Ballots para sa NLE 2025, dumating na sa Calapan City

Dumating na ang mahigit 90,000 official ballots na gagamitin sa May 12, National at Local Elections 2025 kaninang ganap na 10:30 ng umaga kung saan ay inilagak ito sa Convention Center, Brgy. Tawiran, CalapanCity.

Ayon kay Calapan City Comelec Officer, Atty. Suminigay Mirindato, inaasahan ng COMELEC buhat sa isang daan at tatlumput limang(135) cluster precinct ang siyamnapung libong (90,000) balota para sa mga botante ng Calapan City at kung saan ang mga dumating na balota ay babantayan ng mga alagad ng batas sa storage area.

Ayon pa kay Atty. Mirindato, ang Lungsod ng Calapan ay mayroong 96,000 registered voters subalit may posibilidad pa itong mabawasan dahil tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang pag de-delete ng Comelec ng mga registered voters hanggang sakasalukuyan dahil sa mga nagtrasfer na mga botante buhat sa ibang munisipalidad pero maigting naman nitong sinabi na hindi naman ito bababa pa sa 90,000 voters.

Bago pa man umano natanggap ng kanilang tanggapan ang election documents, paraphernalias na may kaugnayan sa election ay inayos itong mabuti ng kanilang opisina, treasury department at ng law enforcement agency ang lahat ng mga kailangang ayusinkayaga sa storage area, security, safety maging sa maintenance namaging maayos ang lahat.

Ipinahayag rin ng Comelec Officer na sa darating na May 5 ay isasagawa nila ang final testing and sealing ng lahat ng Automated Counting Machine (ACM) sa buong probinsya ng Oriental Mindoro at ang pag di-distribute ng mga ballot boxes at ACM sa mgaaaktong mga g**o o Electoral Boards, kasabay rin ng pagbabantayng kapulisan hanggang sa matapos ang election.

Samantala, mensahe naman ni Atty. Mirindato lalo na sa mgakandidato na mahigpit na ipinagbabawal ang pangangampanya saMay 11 at 12 at tumalima sa lahat ng Comelec Resolutions, Omnibus Election Code Provision at anumang may kaugnayan saelection. Sa mga supporters naman ang panawagan niya ay huwagmaging pasaway upang walang maging problema maging sa buongpubliko, umaasa ang Comelec walang magiging problema sadarating na NLE 2025. Paalala rin ni Atty Mirindatu sa mga kandidato na bawal na ang mga jingle at poster sa mga sasakyan panahon ng halalan.

via Marie Cris D. De Jaro

28/04/2025
  | Sunog sa Lumang Gusali ng Oriental Mindoro Provincial Hospital, Walang Nasunog na GamotTinupok ng apoy ang isang bah...
28/04/2025

| Sunog sa Lumang Gusali ng Oriental Mindoro Provincial Hospital, Walang Nasunog na Gamot

Tinupok ng apoy ang isang bahagi ng dati at lumang gusali ng Oriental Mindoro Provincial Hospital sa Barangay Ilaya, Calapan City, tanghali ng Abril 27.

Maraming mga ispekulasyon ang lumutang tulad ng pagkasunog ng diumano'y gamot na nakaimbak dito.

Nilinaw naman at pinabulaanan ito ni Provincial Health Officer II Dr.Cielo Angela Ante at naglabas kaagad ng official statement ukol dito.

Ayon kay Dr. Ante, walang nasunog na mga gamot, dahil may hiwalay na imbakan para rito. Ang nasunog sa gusali na siyang dating Out-Patient department ay mga syringe noong pandemya at damaged toilet bowls na kailangang ibalik sa supplier.

Ayon kay Fire Chief Inspector Franz Dominique Badong-Casalme, nagsimula ang sunog bandang 11:56 ng umaga. Sinabi niyang posibleng sanhi ng sunog ang isang sumabog na transformer, ngunit patuloy pa ang imbestigasyon. Mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga tambak na papel na ginamit bilang bodega sa lumang ospital.

Walang nasaktan sa insidente, at nakatakdang gibain na ang lumang gusali.

Address

Calapan City, Oriental Mindoro
Calapan
5200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when TCN Digital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to TCN Digital:

Share