12/08/2026
Status ko ngayon?
Heto tinatrabaho ang improvement sa sarili. Sobrang busy oo bakit nga ba?
Noon hiyang hiya ako kasi walang wala talaga ako yung tipong may lakad dito pero wala ko kahit piso. pati manood ng event sa plaza nga noon dala dala ko limang piso hahahaha.
di ko naman sinabing meron na ako pero natutostos ko kahit papaano buwan buwan na kailangan ko.
Ang tinatrabaho ko ngayon yung tipong ayoko ng bumalik sa dating ako . tatamad tamad at takot mag trabaho.
ayoko ng bumalik sa tipong pahingi hingi nalang ako sarap kaya sa pakiramdam na nagagawa mo kahit mahirap
Nung natuto ako nasanay na akong maging proud sa sarili ko kasi kinakaya ko .
Patawad kung masyado akong abala nangangarap lang din ako tingin mo/niyo nag bago na ako?
Tama kayo di na ako yung dati na musmos na nakasandal pa sa magulang ko o mga kapatid ko.