30/07/2025
Students' Organizations ng Calauag NHS, binigyang pagkilala si Altamira
Gamit ang mga talento ng mga mag-aaral, mga regalo, ganun din ng mga mensahe ng pasasalamat, pinarangalan ng iba't ibang samahan ng mga mag-aaral sa Calauag National High School ang outgoing principal na si Bernardo Cristino P. Altamira sa isinagawang send-off program, Hulyo 29.
Pinangunahan ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) ang nasabing programa, katuwang ang iba pang samahan katulad ng Barkada Kontra Droga (BKD), Red Cross Youth Council (RCYC), Youth for Environment in Schools Organization (YES-O), Youth Entrepreneurship and Cooperativism in Schools (YECS), Himig Kalasag, Indak Kalasag, at CNHS Drum and Lyre Band.
Dumalo rin ang mga dating lider mag-aaral ng CNHS upang ipakita ang kanilang pagkilala at pagsaludo sa legasiyang iiwan ni Altamira.
Pinamunuan ni Altamira ang CNHS sa loob ng siyam na taon taglay ang mantra tungkol sa "Disiplina, Respeto, at Malasakit".
Samantala, nakatakda na rin ang paglipat ni Altamira sa Abuyon National High School sa bayan ng San Narciso, Quezon.