16/08/2026
Paleria, Gutierrez nanguna sa gintong ani ng Arsenians sa Taekwondo
ni Lorence Frias
Nanguna sina Janelle Paleria at Khianna Gutierrez sa kampanya ng Arsenians sa Taekwondo matapos kapwa makasungkit ng gintong medalya laban sa malalakas na pambato ng SPS, Enverga, at Central sa Palarong Quezon noong Agosto 9, 2026 sa Livelihood, Calauag, Quezon. Dahil sa kanilang pagkapanalo, susulong sila para lumaban sa Palarong Quezon Provincial Meet.
Waging nakasungkit ng medalyang ginto, silver, at bronze matapos sumipa at makipagsabayan sa malalakas na pambato ng SPS, Enverga, at Central sa Palarong Quezon nito lamang araw ng Agosto 9, 2026 sa Livelihood, Calauag, Quezon ang ating mga manlalarong Arsenians sa Taekwondo.
Sa kabuuang 8 na pambato, 6 lang ang nakalaro dahil ang dalawa ay advance na para sa Palarong Quezon Provincial Meet.
Nagsama-sama ang mga natira upang lumaban at sumungkit ng panalo.
Unang sumalang si Jayvee na nakipagsipaan kontra Central. Bawat sipa ng pambato ng Central, ramdam ang hirap na nararanasan ni Jayvee sa pakikipagpalitan ng sipa, ngunit kitang-kita ang determinasyon ng dalawang magkatunggali para sa inaasam na pagkapanalo.
Sa huli, Central pa rin ang nanaig sa laban sa iskor na 16–5.
Samantala, sumunod na nagtunggali ang pambato ng Arsenians na si Reyvin Paraiso kontra sa pambato ng Central. Sa kabila ng kaniyang masamang nararamdaman, hindi ito naging rason upang sukuan ang laban, at nagbitbit ng iskor na 12–10.
Sa pagpapatuloy ng daloy ng laro, isinalang naman ang ating ikatlong pambato na si John Michael Balbido kontra sa manlalaro ng SPS ngunit hindi ito nagtagumpay at nabigong manalo sa iskor na 24–4.
Sa pagwawagi ni Reyvin, muli siyang isinalang kontra sa pambato ng SPS upang masungkit ang medalyang ginto. Una pa lamang, namigay na agad ng malalakas na sipa kay Reyvin ang pambato ng SPS. Sa kabila nito, hindi nagpapatinag si Reyvin bagkus patuloy pa rin ito sa pakikipagbigayan ng malalakas na sipa.
Sa kabila nito, hindi nagwagi ang pambato ng Arsenians at tinapos ng pambato ng SPS ang laban para sa gintong medalya, habang silver naman para sa pambato ng Arsenians.
Sa pagtigil ng laro, inihanda naman ang mga pambato ng Taekwondo girls upang unang isabak ang pambato ng Arsenians na si Jazzlyne Esguerra kontra Enverga.
Palitan ng malalakas na sipa at pagkuha ng puntos sa ulo ng dalawang magkatunggali upang makuha ang mataas na puntos. Sa kabila nito, bigo ang pambato ng Arsenians sa pagsungkit ng ginto at Enverga ang tumuldok sa laban, 17–4.
Bigo namang masungkit nina Diane kontra Enverga, at Raiza Romero kontra SPS ang panalo para sa ginto.
Samantala, nasungkit naman ng pambato ng Arsenians na si Andrea Ermita na lumaban sa Poomsae kontra Enverga.
Ipinakita nila ang pag-atake, pagdepensa, at paggalaw sa harap ng mga hurado. May ilang pagkakamali si Andrea na itinama ng isa sa mga referee.
Nakipagsabayan naman ang pambato ng Enverga sa mga galaw ni Andrea, nasungkit pa rin niya ang silver na medalya.
Sa pagtatapos ng laban, tagumpay ang pambato ng Arsenians sa Taekwondo na magkaroon ng maiuuwiing karangalan sa paaralan. Napawi ang kalungkutan ng bawat manlalaro dahil mayroong nakasungkit ng ginto, silver, at mayroong bronze.