28/05/2026
ππππππππππ πππππππππ
ππππ ππ πππ ππππππππππππ πππ-ππππ, πππππππππππ ππ πππ. πππ
π
π!
Naghain si Sen. Idol Raffy Tulfo ng Senate Bill (SB) No. 2157 o ang βStudent Internship Allowance Actβ na layong magbigay ng one-time financial assistance na β±10,000 sa mga mag-aaral matapos nilang makumpleto ang required hours sa kanilang internship o practicum.
Sa paghahain ng SB No. 2157, layon ni Sen. Raffy na masuportahan ang mga student interns na gumagastos para sa kanilang pagkain at pamasahe, lalo paβt nakikinabang din ang mga kumpanya sa kanilang serbisyo at mga gawain.
Ipinunto ni Sen. Idol na ang grant na ito ay idinisenyo upang makatulong sa transportation costs at mabawasan ang iba pang pinansyal na pasanin ng mga estudyante at kanilang mga pamilya, lalo na ang mga nakararanas ng matinding problemang pinansyal.
Ibinahagi rin ni Sen. Tulfo na marami nang lumapit sa βRaffy Tulfo in Actionβ habang sila o kanilang mga kapamilya ay kasalukuyang sumasailalim sa on-the-job training (OJT), dahil nangangailangan sila ng tulong pinansyal, lalo paβt hindi lahat ng kumpanya ay nagbibigay ng allowance sa kanilang interns.
Sa ilalim ng proposed bill ni Sen. Raffy, saklaw nito ang mga estudyante mula sa mga public o private Higher Education Institutions (HEIs) na accredited ng Commission on Higher Education (CHED), pati na rin ang mga Technical-Vocational Institutions (TVIs) na accredited ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), na kinakailangang matapos ang kanilang internship, practicum, o OJT bilang bahagi ng kanilang academic o certification requirements.
Sa huli, mariing hinikayat ni Sen. Tulfo ang kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan ang SB No. 2157 upang mabigyan ng sapat na suporta ang mga OJT students sa ibaβt-ibang sektor at larangan ng industriya.