Hiraya ni Gela

Hiraya ni Gela ig: itsm.xhiaoinc

22/06/2025
πŸ’š
22/06/2025

πŸ’š

22/06/2025

It was love at first sight,at last sight,at ever and ever sight.πŸ’š

19/02/2024

Pagkabigo
By: Hiraya ni Gela

Minsan nang nalito sa nakaraan
Pinipilit ang atin ay kalimutan
Hinahanap ang aking sarili nasaan
Tuluyan na bang ako'y hinayaan
Ang sa ating dalawa'y nakakalito
Sa tagpuan nati'y naririto
Hinihintay ang pagbabalik mo
Umaasang sa susunod na bukas
Di na muli pang mabibigo
At ang luha sa aking mata
Tuluyan na ngang ito'y natuyo
Nag-aantay parin sayong suyo
Kahit alam kong kahit kaylan di matatamo

18/02/2024

Sana
By: Hiraya ni Gela

Sa pagmulat ng aking mga mata
Kasabay nito ang hiling na sana
Sana ay naririto ka sa'king tabi
Sana marinig mo aking mga sinasabi
Sana ang iyong pagyakap maramdamang muli
Sana maramdaman dampi ng iyong labi
At sana ang aking hiling dipa huli
At kung mangyari mang maganap kahilingan
Sisiguraduhing hindi na muling mangyari ang paglisan
Susunduin kita kahit saan, kahit ito'y malayuan
Ang pag-ibig ko lang sayo'y mapatunayan

18/02/2024

Oh Tadhana
By: Hiraya ni Gela

Kung mamarapatin ni tadhana
Sa hiling ko'y matupad sana
Ang oras ay ibalik
At mawala na ang sakit
Nang sa bagong kinabukasan
Maalwang buksan ang aking pintuan
Ang nararamdama'y maging magaan
At ang nakaraa'y tuluyang malimutan
Kung hindi man mapagbigyan
Itong puso ko sana'y hayaan
Paghilom nito kahit matagalan
Tatanggapin ano man ang nakalaan
Pagkadurog nito'y wag muling maranasan
Nang ang tahimik kong mundo
Alingawngaw ng iyak di maringgan

17/02/2024

Bakit ikaw pa!
By: Hiraya ni Gela

Sa dami ng tao sa mundo
Ikaw ang talagang napili ko
Natipuhan ng pusong ito
Nangakong sa tabi mo di lilisan
Ngunit bakit ako'y iyong sinaktan
Ang akalang di maiiwan
Ngayo'y nandito nag-iisa at luhaan
Bakit sa dami nila ikaw pa?
Ang pangako mo nasaan na?
Tila ba napaltan ng sakit ang ligaya
Bakit? Sa tuwing pipikit ako
Laging nakikita ang imahe mo
At sa tuwing nagaganap pangyayareng ito
Pag-agos ng luha'y di mapahinto
Kung sana lang kayang ibalik panahon
Siguradong pipiliting iwasan mga kaganapang iyon
At ang sugat sa aking puso
Hindi nalang sana natamo

17/02/2024

Guy's bigay kayo topic gagawa akong tula ☺️

Address

Purok 6 Baranggay Bangyas
Calauan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hiraya ni Gela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share