01/11/2025
Maaring hindi ito maintindihan ng marami,
pero tuwing dumadaan ka sa pagsubok, magalak ka.
Bakit?
Dahil sa tuwing sinusubok ka ng Diyos, pinatitibay Niya ang iyong pananampalataya.
Tinuturuan ka Niyang magtiwala, hindi lang sa pagpapala,
pero lalong kundi sa Nagpapala.
Hindi lang sa mga regalo,
kundi sa Tagapagbigay ng regalo.
Dahil ang nakakalungkot na katotohanan...
kapag nasa atin na ang lahat,
madalas nawawala ang apoy ng pananampalataya.
Mas napapansin natin ang blessings,
kesa sa Blesser.
Ang gifts, kesa sa Gift Giver.
Kaya kapag dumating ang pagsubok,
baka hindi Siya galit,
baka inaalalayan ka Niya pabalik sa presensya Niya.
Parang sinasabi Niya,
“Anak, andito lang Ako.
Naghihintay lang Ako.”
Sabi sa Santiago 1:2–5,
Kapag dumaranas kayo ng iba’t ibang pagsubok, magalak kayo,
dahil dito tumitibay ang inyong pananampalataya.
At kung kulang ka sa karunungan,
humingi ka sa Diyos na nagbibigay ng sagana,
at hindi Niyang ipagkakait.
Kaya kapag humingi ka, magtiwala ka.
Hindi mo kailangang magmakaawa,
dahil ang Diyos na tumutupad ng pangako,
ay Diyos na laging tapat, at laging sapat. 🙏