23/04/2026
Alam mo yung pakiramdam na lumingon ka sa buhay mo tapos mapapasabi ka na lang…
“THANK YOU LORD!"
Kahit hindi mo masyadong pansin dati, pero alam mong hindi naman talaga ikaw pinabayaan ni Lord.
At parang ganito yung moment sa Joshua 23.
Matanda na si Joshua dito.
Parang last message na niya sa mga tao.
At may pinapaalala siya rito s v14.
"Malapit na akong pumanaw sa daigdig na ito. Alam ninyo sa inyong puso't kaluluwa na tinupad ng Diyos ninyong si Yahweh ang bawat mabuting bagay na ipinangako niya sa inyo. Wala siyang hindi tinupad."
Wala kahit isa ang pumalya.
At kung iisipin mo, hindi naman naging madali yung journey nila.
May labanan, may takot, may times na parang impossible.
Pero pagdating sa dulo…
makikita mo parin kung gaano katapat si Lord.
Pero hindi do'n natapos ha.
Kasi minsan ganyan din tayo eh
pag nakita na nating tapat si Lord, feeling natin okay na lahat.
Safe na. Relax na.
Pero dito nagreal talk si Joshua.
Sabi niya, kung tinutupad ni Lord ang pangako Niya…
tinutupad din Niya ang mga babala Niya.
Ibig sabihin, hindi porket pinagpala ka eh pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo.
At napakagandang paalala satin nito kasi madalas diba kapag pinagpala tayo at singot Nya tayo kala mo ikaw na mayari ba ng mundo.
Now, eto yung pinakatumatak sakin sa chapter na ito, sa v10 sinabi na...
"Ang isa sa inyo'y kayang patakbuhin ang sanlibong kaaway sapagkat si Yahweh na inyong Diyos ang siyang nakikipaglaban para sa inyo, tulad ng kanyang ipinangako."
Anong ibig sabihin?
Sa buhay natin, yung mga bagay na na-achieve natin, akala natin tayo yung may gawa.
Yung promotion,
yung breakthroughs,
yung mga napagtagumpayan mo…
Pero kung magiging honest tayo,
may mga bagay dun na hindi mo talaga kayang gawin mag-isa at hindi mo alam pano nangyari talaga.
May tumulong.
May nagbukas ng pinto.
May nag-protect sa’yo.
At kung babalikan mo yun…
si Lord lahat yun.
Kaya sinabi ni Joshua na bantayan niyo ang puso niyo.
Kasi yun yung madaling mawala eh.
Madalas kasi nakakabulag ang mga biyaya kung di sa Diyos nakaanchor ang puso natin.
At sa totoo lang, hindi naman tayo biglang lalayo kay Lord eh.
Dahan-dahan yan.
Busy ka lang.
Napagod ka lang.
May ibang nauna lang.
Hanggang sa hindi mo napapansin…
hindi na Siya yung una.
Kaya magandang paalala ‘to.
Oo, tapat si Lord.
Oo, ginagawa Niya yung mga pangako Niya sa'yo.
Pero ang tanong,
tapat ka pa ba sa Kanya?
Kasi sa dulo ng lahat,
hindi lang tungkol sa kung anong natanggap mo…
kundi kung nanatili ka bang umiibig sa Kanya at Siya parin ang una after ng lahat ng binigay Niya.