21/10/2025
๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ฒ๐จ๐ ๐ง๐๐ ๐๐๐๐๐ฅ๐: ๐๐๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ซ๐ญ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐๐ง๐ณ๐-๐๐ข๐ค๐ ๐๐ฅ๐ฅ๐ง๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ (๐๐๐)!
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐
Nagpaalala ang City Health Office (CHO) Calbayog sa mga residente na mag-ingat laban sa Influenza-Like Illnesses (ILI) โ isang uri ng impeksyong tumatama sa respiratory system o sa ating paghinga, tulad ng trangkaso o flu.
๐ฉบ Ano nga ba ang Influenza-Like Illness (ILI)?
Ang ILI ay isang kondisyon na halos kapareho ng sintomas ng trangkaso. Kadalasan, ito ay sanhi ng influenza virus o iba pang virus na nakaaapekto sa ilong, lalamunan, at baga.
Madaling kumalat ang sakit na ito sa pamamagitan ng ubo, bahing, o malapit na kontak sa taong may impeksyon.
๐ Mga Karaniwang Sintomas ng ILI:
Lagnat na tumatagal ng ilang araw
Ubo at sipon
Sakit ng lalamunan
Pananakit ng katawan o kasu-kasuan
Pagkapagod o panghihina
๐ฉโโ๏ธ Ayon sa CHO, maaaring magdulot ng komplikasyon ang ILI sa mga bata, matatanda, buntis, at sa mga may mahinang resistensya, kaya mahalagang maagapan ito.
โ
Mga Paalala upang Makaiwas sa ILI:
Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig.
Iwasan ang matataong lugar at siguraduhing may maayos na bentilasyon sa bahay.
Takpan ang bibig at ilong kapag umuubo o bumabahing.
Palakasin ang resistensya sa pamamagitan ng tamang pagkain, tulog, at ehersisyo.
Magpabakuna kung may available na flu vaccine.
Kung makaranas ng sintomas gaya ng lagnat, ubo, o pananakit ng katawan, manatili sa bahay at magpatingin sa pinakamalapit na health center upang makaiwas sa pagkalat ng impeksyon.
๐ฌ Paalala ng CHO Calbayog:
โProtect your health, rain or shine! Be alert against Waterborne Diseases, Influenza, Leptospirosis, and Dengue.โ
( Source CHO Calbayog )