03/06/2026
Pagod na si Kuya.π₯Ή
Si Kuya po kasi ngayon eh may pinag-dadaanan,sa pinaka best term po is hindi po ok si kuya. -Allen
Pag katawag nya sa sakin pag kasabi nyang puntahan ko si kuya sa kwarto sa bahay tumakbo na agad ako tapos sumilip ako pag silip ko hindi normal,kumbaga malalang emergency 'to. -Kalo
Relax lang anak. Inhale,exhale relax lang,napagod ka kasi anak. -Mama Beth
Marami pong nasa isip si Geybin ngayon kaya hindi nyo sya makikita ngayon sa mga vlog,pero gusto namin maging transparent kasi dahil sa inyo kaya kami nandito din.
Sa ngayon hindi nya kaya yung tumatakbo sa isip nya ang dami.
Nakikita natin nyong masaya araw-araw,nakikita nyo kaming masaya sa vlog.
Kahit sa inyo ayaw nyang magsabi.
Una,diba aware naman tayo lahat na sya na yong tumayong head sa pamilya,sa pamilya natin.
Sobrang saya nya na ginagawa nya yon pero syempre may time na sobrang lungkot nya kasi wala si Tito Pedi isa yon sa sobrang dinadala nya parin hanggang ngayon.
Napapagod na sya araw-araw,sabi nya hindi nya alam kung ano pa ikaka-excite nya bukas kasi ganon lang ulit yung mangyayari.
Paulit-ulit nalang daw ganon pero hindi sya pwede huminto kasi paano daw pag nag kasakit kayo..Paano si tita.
Paano yung mga taong nakapaligid na kanya.
Kaya hindi sya pwede sumuko pero pagod,pagod na sya.
Hindi na nya alam kung pano imomotivate yung sarili nya kahit simpleng bagay daw na naiisip nya na palakihin,yung mga bagay na sobrang simpe katulad nung samin.
Akala nyo hindi kami nag aaway,kasi pinipili namin intindihin yung isa't-isa pero meron pala kaming hindi nasasabi sa isa't isa.
Kahapon lang sabi nya..Nakikita nya daw sakin na..gusto ko ng mag pakasal kami..
Na alam naman daw nya na alam namin yung gusto namin na hindi pa pero parang nakikita nya na ganon pero hindi nya mabigay kasi madami pa syang kailangang gawin.
GET WELL SOON Ser Geybin ππ«Άπ»ππ