
30/07/2025
Malugod na sinalubong ng SPNHS ang mga kinatawan ng DepEd Regional Office na bumisita kahapon, July 30, 2025, upang talakayin ang mga teaching related tasks at bigyang tuon ang DepEd Order No. 005, s. of 2024.
Ang kautusang ito ay naglalayong ipaalam ang mga gawain na sakop ng trabaho ng isang g**o, maging na rin ang pagbibigay ng dagdag sweldo sa mga g**ong overworking.
Prinisenta naman ni Ginoong Romeo D. Castante, Principal IV ng SPNHS, ang mga nagawang inobasyon at inisyatibo ng paaralan upang mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang mga mag-aaral at malutas ang mga problemang kinakaharap nito. Ito ay ayon sa DepEd Order No. 7, s. 2024.
Ang buwanang monitoring na ito ay isinasagawa ng DepEd upang matukoy nila kung naibibigay ba ang mga pangangailangan ng mga kaguruan, mag-aaral, at maging na rin ng paaralan.