29/08/2026
Carayman NHS, nagsagawa ng TOFAS para sa mga mag-aaral ng Grade 7โ10
Bilang bahagi ng pagsukat sa pundamental na kasanayan sa Matematika ng mga mag-aaral, isinagawa ng Carayman National High School ang Test of Fundamental Academic Skills (TOFAS) mula Agosto 24 hanggang 27, 2026, tuwing ika- 3:15 ng hapon, matapos ang regular na oras ng klase.
Isinagawa ang pagsusulit alinsunod sa Regional Memorandum No. 936, s. 2026, na naglalayong matukoy ang mga kalakasan at learning gaps ng mga mag-aaral sa Matematika sa pamamagitan ng standardized assessment. Layunin din nitong masuri ang mga trend sa performance ng mga mag-aaral sa ibaโt ibang baitang upang magsilbing batayan sa data-driven instructional planning at mga angkop na interbensiyong pang-edukasyon.
Pinangunahan ito ng Mathematics Department, sa pangunguna nina Gng. Maridel Y. Benecario at Gng. Maria Verias L. Capalis. Isinagawa ang TOFAS para sa Grade 7 noong Agosto 24, Grade 8 Agosto 25, Grade 9 Agosto 26, at Grade 10 naman Agosto 27.
Isinagawa ang pagsusulit pagkatapos ng oras ng klase upang hindi maantala ang regular na classroom instruction, alinsunod din sa itinakdang patakaran sa nasabing memorandum.
Sa pamamagitan ng resulta ng TOFAS, inaasahang magkakaroon ang paaralan ng mas malinaw na batayan sa pagtukoy sa mga kasanayang kailangang higit pang paunlarin at sa pagbuo ng mga angkop na estratehiya at interbensiyon upang mapalakas ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa Matematika.