03/09/2025
๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐จ๐ซ๐๐ฉ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง, ๐๐๐ก๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐๐ง
ni Patrick Rubio
Mahirap nga ba ang Pilipinas?
Sapagkat sa bawat bahang dulot ng bagyo, sa kabila ng pondong nakalaan para pigilan itoโwalang nangyayari, walang nagbabago. Kulang ba tayo sa pera o kulang lang tayo sa kaalaman kung saan ito napupunta?
Nitong nakaraang buwan lamang ng Hulyo, apat na bagyo ang pumasok sa ating bansa. Matinding pagbaha at pinsala ang dinulot ng mga ito sa Luzon at Visayas, lalo na sa National Capital Region (NCR).
Bilang isang bansa na madalas tinatamaan ng baha, ang mga ilog at sapa ay sumasapit sa limitasyon ng kanilang kapasidad, na nagiging sanhi ng pag-apaw ng tubig sa mga lugar.
Upang maiwasan ang lumalaking delubyong ito, ang flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay naglalayong protektahan ang mga komunidad sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga dam, d**e, at pumping station.
Ang proyektong ito ay may malaking badyet na nagkakahalaga ng โฑ255 bilyon para sa nagdaang taon. Nasa 62 proyekto naman na ang kanilang natapos sa taong 2025, at marami pang ongoing projects.
Ngunit, sa kabila ng malaking badyet na inilalaan para sa flood control projects, bakit patuloy pa rin ang pagbaha sa ibaโt ibang bahagi ng ating bansa?
Sa kamakailang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), isang nakakabagabag na katotohanan ang ibinunyag tungkol sa korapsyon sa ating lipunan.
Ang mga salitang โghost projectsโ at โkorapsyonโ ay hindi na bago sa ating pandinig, ngunit ang lawak at lalim ng problema ay tunay na nakapangingilabot.
Ayon sa mga ulat, kalahati ng โฑ2 trilyon na pondo para sa flood control projects ay maaaring nawala dahil sa korapsyon. Ito ay isang halaga na kayang baguhin ang buhay ng maraming pilipino, ngunit sa halip ay napunta sa bulsa ng mga tiwaling opisyal at pulitiko.
Ayon pa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., may 15 na kumpanya ng konstruksyon ang nakatanggap ng โฑ545 bilyon na halaga ng mga proyekto sa flood control mula Hulyo 2022 hanggang Mayo 2025. Ngunit ito ay mga โghost projectsโ lamang.
Mga proyektong hindi naman nasisimulan, mga kumpanya na nakatanggap ng bilyon-bilyong pondo ngunit walang resulta. Ito ay isang anyo ng pagnanakaw na hindi lamang nakakasakit sa ating ekonomiya, kundi pati na rin sa ating mga mamamayan.
Ang mga opisyal na sangkot sa mga ito ay dapat managot sa kanilang mga gawa. Ang pondo ng bayan ay dapat gamitin para sa ikabubuti ng lahat, hindi para sa pansariling interes.
Sa parehong episode ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS), ibinunyag din ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na posibleng umaabot ng mahigit isang bilyon ang ninanakaw ng mga opisyal sa isang taon, 2.7 milyon naman araw-araw.
Ang mga numerong ito ay hindi lamang mga estadistika, kundi mga luha ng bayan. Mga luha ng mga Pilipinong naghihirap, mga luha ng mga pamilyang hindi makapagbigay ng maayos na buhay sa kanilang mga anak.
Kung totoong mahirap ang Pilipinas, bakit limpak-limpak na pondo at pera ang ninananakaw ng mga nasa pwesto?
Kailangan na nating tumigil sa pagboto ng mga tiwali, at sa halip ay piliin ang mga lider na may integridad at malasakit sa bayan. Kailangan din nating magkaroon ng isang malakas at independiyenteng media na kayang imbestigahan at ilantad ang mga korapsyon.
Ayon pa kay Jessica Soho, โHindi pala baha ang magpapalubog sa ating bayan. Kundi, kasakiman.โ
Sa bawat baha, paalala ito ng korapsyon ng mga nasa itaas. Mga buwaya sa kaban ng bayan, nagnanakaw hindi lamang peraโkundi pati na kinabukasan natin.
Kailangan na nating mamulat. Hindi na dapat tayo umuusong lang sa baha ng korapsyon, umuusad na dapat tayo sa kalsada ng pagbabago.
Hindi tayo mahirap. Pinamumunuan lang tayo ng mga buwaya at kurap. Kung gusto nating umahon sa baha ng kurapsyon, simulan natin sa tamang desisyon.
Isipin naman natin ang bayan, sapagkat ang kaban ay para sa lahatโhindi para sa iilan lang.
=====
Cartoon by Jay Triscky Ruano
Layout by Mia Ocenar