01/08/2025
๐๐ฒ๐ฎ๐๐๐ฟ๐ฒ ๐๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ | ๐๐ ๐ซ๐ ๐จ ๐๐ข๐ฒ๐๐ฒ๐?
Sa bawat pag-ikot ng daliri sa iskrin, may hatid na tanong. Sa bawat pagpindot, may kasabay na pag-aalinlangan. Kay dali na ngayong matangay ng paniniwalaโisang mapang-akit na pamagat, isang larawang sinabayan ng damdaming salaysay, at agad-agad, ang kathang kuwento ay tinatanggap na tila katotohanan.
๐ก๐ด๐๐ป๐ถ๐... ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ?
Paano kung ang lahat ng inaakala mong totoo ay hinabi lamang mula sa hibla ng panlilinlang?
Sa gitna ng ingay at ilusyon, ito ang sigaw ng marami:
๐ฃ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐บ๐ฎ๐๐๐๐๐ธ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป?
Hindi ito agad nasasalamin sa mga pamagat ng balita, ni lantad sa mga punaโt kuro-kuro sa seksyon ng komento. Sa panahong ang impormasyon ay tila rumaragasang agos na walang humpay, higit kailanman ay kinakailangan nating taglayin ang mga kasangkapang lampas sa payak na panonood, pakikinig, at pagbasaโmga kasangkapang nakaugat sa pag-unawa, pagbubulay, at mapanuring pagtanaw.
Ang kasagutan ay payak, datapwat hitik sa dunong at diwa โ Media Literacy.
Ang Media Literacy, o Karunungang Bumasa ng Midya, ay hindi lamang payak na kakayahan, kundi isang masalimuot na kasanayang pumapaloob sa apat na mahahalagang abilidadโang pagkatuto sa pagbasa, pagsusulat, pag-unawa, at higit sa lahat, ang masusing pagsusuri. Hindi ito simpleng pagtanggap ng anumang nilalaman, kundi isang mapanuring pag-aanalisa sa diwa, konteksto, at layon ng bawat impormasyon. Isa itong anyo ng matalinong pag-iisip na marunong kumilatis ng katotohanan, at nagsisilbing tinig ng kamalayan at katinuan sa gitna ng lumalaganap na kasinungalingan at panlilinlang.
โ๐๐ป๐ด ๐บ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฎ ๐น๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ, ๐ถ๐๐ผ ๐ฎ๐ ๐ธ๐ฟ๐ถ๐๐ถ๐ธ๐ฎ๐น. ๐๐๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐๐๐๐๐ฟ๐๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ธ ๐ป๐ด ๐บ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฎ ๐น๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐, ๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ถ ๐๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐๐ป๐ฑ๐ผ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ต๐ถ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐น๐ถ๐น๐ถ๐ป๐น๐ฎ๐ป๐ด.โ
Mga salita mula kay Barack Obama, ika-44 na Pangulo ng Estados Unidos
Sa gitna ng mabilis na daloy ng balita at opinyon sa modernong teknolohiya, ang ganitong kasanayan ay nag sisilbing ilaw. Gabay ito upang tayoโy maging mapanuri, masinop, at kritikal โ hindi upang maniwala agad, kundi upang magtanong, magsuri, at magpasya nang may batayan.
Nilalayon nitong sugpuin ang paglaganap ng huwad na balita at maling impormasyon. Higit pa rito, itinataguyod nito ang isang marangal, mapanuri, at makataong uri ng pakikipagtalastasan โ isang mahalagang hakbangin tungo sa pagpapanatili ng kaayusan, dignidad, at paggalang sa gitna ng patuloy na pag-usbong ng teknolohikal na ugnayan.
๐ก๐ด๐๐ป๐ถ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ป๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐บ๐ฎ๐๐๐๐๐ธ๐ผ๐ ๐ธ๐๐ป๐ด ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ผ ๐ฎ๐ ๐บ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฎ ๐น๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ?
Masasalamin ito sa mga indibidwal na hindi basta-basta nagpapadala sa mga pahayag na kapos sa katibayan. Ang ganitong uri ng tao ay dumaraan sa masinop na pagninilay at pagsusuri. Kinikilala niya ang midya bilang daluyan ng kabutihanโhindi bilang kasangkapan ng pansariling kapakinabangan, kundi bilang tanglaw ng katotohanan, karunungan, at malasakit sa kapwa. Isa siyang tagapagtanggol ng katwiran at katotohanan; hindi siya tagapagkalat ng maling balita, may kakayahang kumilala ng pagkiling, at mulat sa mga anyo ng panlilinlang.
Ang pagkatuto sa ganitong kasanayan ay isang hakbang tungo sa mas matiwasay na mundo ng impormasyon, isang lipunang pinangungunahan ng paggalang, katotohanan, at kapayapaan.
๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐๐ฟ๐ถ. ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ผ. ๐ ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฎ ๐น๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ.
Written by: Justin Ker Tan
Layout by: Zaki Locaya