Talutang

Talutang Ang Opisyal na Pahayagan ng Mataas na Paaralang Pambansa ng San Policarpo.

𝐓𝐀𝐍𝐎𝐍𝐆 | 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗻𝗴𝗮 𝗯𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗻𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝘆-𝗻𝗶𝗹𝗮𝘆?2 Mga Taga-Corinto 5:15-19“Namatay siya para sa lahat upang ang mga ...
28/03/2024

𝐓𝐀𝐍𝐎𝐍𝐆 | 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗻𝗴𝗮 𝗯𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗻𝗶𝗻𝗶𝗹𝗮𝘆-𝗻𝗶𝗹𝗮𝘆?

2 Mga Taga-Corinto 5:15-19
“Namatay siya para sa lahat upang ang mga nabubuhay ngayon ay huwag nang mabuhay para sa sarili, kundi para kay Kristo na namatay at muling nabuhay para sa kanila.”

Ngayong Mahal na Araw, nawa'y magnilay tayo at tuluyang maging mapalapit sa kalooban ng Poong Maykapal. Ang araw na ito ang siyang nagsisilbing paalala sa atin ng kabutihang ginawa ng ating Ama at tagapagligtas upang tayo ay matubos sa pagkakasala.

Ang kalayaang ating nadarama at kabutihang ating nakakamit ay isa sa mga katibayan ng kaniyang kabanalan at pagmamahal sa ating mga makasalanan.

Kung kaya't imbis na magligalig kasama ang tropahan, magligalig kasama ang Panginoon sa pamamagitan ng pagpuri at muling paggunita sa kabutihang kanyang likha.

𝗠𝗮𝗻𝘂𝗺𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗗𝗶𝘆𝗼𝘀 𝗮𝘁
𝘁𝗮𝗹𝗶𝗸𝗱𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝘄𝗶 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗻𝗹𝗶𝗻𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗺𝘂𝗻𝗱𝗼!

𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪 𝘕𝘪𝘤𝘰𝘭𝘦 𝘔𝘰𝘯𝘵𝘦𝘮𝘢𝘺𝘰𝘳
𝘪𝘭𝘶𝘴𝘵𝘳𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘪 𝘡𝘤𝘩𝘢𝘳𝘳𝘪𝘯𝘢 𝘔𝘪𝘨𝘶𝘦𝘭𝘢 𝘓𝘶𝘤𝘦𝘳𝘰

𝐀𝐆𝐇𝐀𝐌 𝐀𝐓 𝐓𝐄𝐊𝐍𝐎𝐋𝐎𝐇𝐈𝐘𝐀 | Lumulubong kaso ng Pertussis sa Pilipinas, ikinababahala ng DOH, agarang solusyon ang kailangan“I...
28/03/2024

𝐀𝐆𝐇𝐀𝐌 𝐀𝐓 𝐓𝐄𝐊𝐍𝐎𝐋𝐎𝐇𝐈𝐘𝐀 | Lumulubong kaso ng Pertussis sa Pilipinas, ikinababahala ng DOH, agarang solusyon ang kailangan

“It’s coughing season…”— oppss may ubo ka na rin ba? Baka pertussis na yan!

Apat na taon simula nang umusbong ang pandemyang dulot ng Covid, muling nababahala ang Kagawaran ng Kalusugan (DOH) sa panibagong sakit na kumakalat ngayon sa Pilipinas.
Malaking takot ang idinudulot ngayon ng Pertussis o mas kilala sa tawag na “whooping cough” at “the cough of 100 days”— tinutukoy bilang isang respiratory illness— na may lumulubong kaso ngayon sa kalakhang bahagi ng Luzon at may pailan-ilan nang naiuulat sa mga probinsya sa Kabisayaan.

Pangunahing puntirya ng nasabing sakit ang mga kabataan, kabilang na ang mga sanggol na hindi tataas sa anim na buwan ang gulang. Walang makapagpasusubali na hindi lahat tao ay maaaring dapuan ng naturang sakit dahil wala itong pinipiling edad. Makikitaan ng mga sintomas tulad ng lagnat, sipon, at ubo ang mga dinadapuan ng Pertussis. Sanhi ito ng isang uri ng bakteryang may pangalan na Bodotella pertussis— nadiskubre noong 1906, at may nabuo nang bakuna para rito noong 1940s.

Tinatawag na “whooping cough” ang pertussis dahil sa katangian ng pag-atake nito sa tao. Karamihan sa mga naiulat na mayroong pertussis ay nakararanas ng sunod-sunod na pag-ubo at kadalasang hinahabol ang paghinga sa hulihan, na nakalilikha ng “whooping” sound kaya rito nakuha ang katawagang “whooping cough.”

Ang sintomas tulad ng ubo ay kadalasang tumatagal ng dalawa hanggang tatlong buwan, ayon ito sa obserbasyon ng mga dalubhasa. Ngunit ang nasabing sintomas ay maaaring maagapan kung lalapatan agad ng lunas ang pasyente ng sapat na gamot at bakuna.

May kaakibat ngayon na hindi bababa sa 568 na kaso ng Pertussis ang mayroon ang bansa sa kasalukuyan, habang mayroon nang 40 na pagkamatay ang naitala, base ito sa pinakasariwang ulat na inilabas ng DOH. Dahil dito, inaanyayahan ng DOH ang mga magulang o guardians na pabakunahan ang kanilang sanggol ng pentavalent vaccine nang libre sa mga government health centers.

Ang lumulobong kaso ng naturang sakit ay malaking bahala para sa ahensiya ng kalusugan lalo pa’t kakapahinga pa lamang ng mga ospital at medical health workers sa mga nagdaang taon dulot ng Covid 19 pandemic. Kung gayon ay nararapat lamang na bigyan ito ng pansin at palawigin ang pagbabakuna upang hindi na tumaas ang mga naiuulat na kaso kaugnay nito. Ang kahandaan ng bansa tungo sa pagsagupa sa Pertussis ay may malaking angkla upang hindi na magkaroon pa ng kinatatakutang ikalawang bugso ng pandemya.

𝘶𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘑𝘢𝘮𝘦𝘴 𝘈𝘭𝘥𝘳𝘪𝘯 𝘉𝘳𝘢𝘤𝘦
𝘱𝘶𝘣𝘮𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘔𝘢𝘹 𝘐𝘷𝘢𝘯 𝘌𝘮𝘢𝘯

🎶💔𝗔𝗻𝗴 𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗸𝗼'𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗱𝘂𝗿𝘂𝗴𝗼 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗺𝗶𝘀𝗶𝗸𝗶𝗽 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗯𝗱𝗶𝗯 𝗸𝗼~🎶Ito ang iyong mararamdaman kapag bumagsak ka ngayong EXAM!K...
25/03/2024

🎶💔𝗔𝗻𝗴 𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗸𝗼'𝘆 𝗻𝗮𝗴𝗱𝘂𝗿𝘂𝗴𝗼 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗺𝗶𝘀𝗶𝗸𝗶𝗽 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗯𝗱𝗶𝗯 𝗸𝗼~🎶

Ito ang iyong mararamdaman kapag bumagsak ka ngayong EXAM!
Kaya kaibigan, wag nating pairalin ang katamaran. Mag-aral nang mabuti upang score ng iyong katabi ay ‘di mo pagselosan.

𝘴𝘢𝘭𝘪𝘵𝘢 𝘯𝘪 𝘔𝘢𝘹 𝘐𝘷𝘢𝘯 𝘌𝘮𝘢𝘯
𝘪𝘭𝘶𝘴𝘵𝘳𝘢𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘪 𝘡𝘤𝘩𝘢𝘳𝘳𝘪𝘯𝘢 𝘔𝘪𝘨𝘶𝘦𝘭𝘢 𝘓𝘶𝘤𝘦𝘳𝘰

Maligayang pagbati sa lahat ng mga mamamahayag ng Talutang (Filipino) sa kanilang ipinakitang kahusayan nitong Division ...
24/03/2024

Maligayang pagbati sa lahat ng mga mamamahayag ng Talutang (Filipino) sa kanilang ipinakitang kahusayan nitong Division Schools Press Conference (DSPC) 2024.

𝗡𝗲𝘄𝘀 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 (𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼)
🏅2nd PLACER
Nicole Montemayor
Tagapagsanay: Leah I. Caber

𝗦𝗰𝗶-𝗧𝗲𝗰𝗵 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 (𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼)
🏅2nd PLACER
James Aldrin Brase
Tagapagsanay: Sarah Diongzon

𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 (𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼)
🏅2nd PLACER
Max Ivan T. Eman
Tagapagsanay: Ma. Salvacion Bacolod

𝗖𝗼𝗹𝘂𝗺𝗻 𝗪𝗿𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 (𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼)
🏅6th PLACER
Meo Jay Calipes
Tagapagsanay: Maria Cecilia Singzon

𝗖𝗼𝗽𝘆𝗿𝗲𝗮𝗱𝗶𝗻𝗴 (𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼)
🏅8th PLACER
Haidee Custodio
Tagapagsanay: Maria Leizel Vere

𝗥𝗮𝗱𝗶𝗼 𝗦𝗰𝗿𝗶𝗽𝘁𝘄𝗿𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱
𝗕𝗿𝗼𝗮𝗱𝗰𝗮𝘀𝘁𝗶𝗻𝗴 (𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼)
🏅2nd PLACER
Princess Sunly Monterona
Kachi Gael Castillo
Keith Jhon Balan
Keziah Eunice Susmeña
Jenny Basilides
Alexa Galitan
John Matthew Roxas
Tagapagsanay: Mary Cris S. Pueblos

𝗧𝗩 𝗦𝗰𝗿𝗶𝗽𝘁𝘄𝗿𝗶𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱
𝗕𝗿𝗼𝗮𝗱𝗰𝗮𝘀𝘁𝗶𝗻𝗴 (𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼)
🏅2nd PLACER
Nashty Lebasdesus
Ruth Marjorie Matudan
Reychelle Go
Jane Erigon
Rholynne Faith Vere
Leander Lentejas III
Nico Dave Ballon
| Tagapagsanay |
Maria Cristina B. Ladag
Ana Margarita D. Bautista

𝗢𝗻𝗹𝗶𝗻𝗲 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝘀𝗵𝗶𝗻𝗴 (𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼)
🏅4th PLACER
Sophia Angela Merencillo
Nysa Bautista
Rex Dela China Jr.
Alexandra Polaran
Rizamae Diongzon
Tagapagsanay: Elle Docong

𝐓𝐡𝐞 𝐇𝐨𝐦𝐞 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐇𝐮𝐦𝐛𝐥𝐞 𝐖𝐢𝐧𝐧𝐞𝐫𝐬!

𝘱𝘶𝘣𝘮𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘔𝘢𝘹 𝘐𝘷𝘢𝘯 𝘌𝘮𝘢𝘯

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Talutang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Talutang:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share