24/07/2024
At dahil nga hindi nakapasok ang Philippine team sa men's basketball sa 2024 Paris Olympics, paniguradong ang inaabangan ng maraming basketball fans ay ang mga games ng US men's basketball team.
Matik yan, lalo pa’t lalaro ang kanilang mga NBA idols like LeBron James, Steph Curry, Kevin Durant, Jayson Tatum, at Anthony Edwards.
At para hindi ka na mahirapang mag-browse ng schedule, heto ang Group C group phase schedule ng USMNBT.
July 28, 11:15 pm
USA vs Serbia
August 1, 3:00 am
USA vs South Sudan
August 3, 11:15 pm
USA vs Puerto Rico
Lahat ng games ay lalaruin sa Pierre Mauroy Stadium.
Overwhelming favorites ang USA, at pinakita nila na malakas ang team nila sa exhibition game versus Serbia na nilampaso ng US, 105-79.
Bandang huli, yung South Sudan pa ang nagpakaba sa US, with the Americans relying on the late game heroics of LeBron James para manalo ang US, 101-100.
Yung Puerto Rico, nag-qualify by way of Olympic Qualifying Tournament (OQT) na sa Puerto Rico rin ginanap.
Puerto Rico finished Group B at the top, defeating Italy at Bahrain.
Tinalo nila ang Mexico sa semi-finals before winning against Lithuania sa finals.
Six times, Puerto Rico and the US played each other, and the only time Puerto Rico won was back in 2004 sa first round ng Olympics, kung saan nanalo ng Puerto Rico sa score na 92-73, against eventual bronze medal finishers that included Allen Iverson, Carmelo Anthony, Dwyane Wade, Tim Duncan, and LeBron James.
May team kaya na makakasilat sa US sa group stage action sa Paris?
Ctto: s5phillipines