21/10/2025
๐๐
PISONET BASICS #1โ
Para sa mga Master natin na gusto mag tayo ng sarili nilang PISONET SHOP, mahalagang malaman ninyo kung ano-ano ang mga basic parts at devices sa isang PISONET.
Uumpisahan natin sa simpleng setup ng pisonet na tinatawag nating DESKTOP PISONETโ
๐Disclaimer: Lahat po ng detalye at impormasyon na ipopost natin sa blog na ito ay base lamang sa aking research at experience sa pagpapatakbo ng pisonet.
Narito ang mga basic parts ng setup nito ๐๐
1. SYSTEM UNIT: Ito ang pinakamahalagang parte ng isang PISONET. Ito ang magpapagana sa lahat ng devices sa setup na ito.
Nasa loob nito ang mga sumusunod na parts
โ
Motherboard
โ
CPU(Central Processing Unit)
โ
PSU(Power Supply Unit)
โ
RAM(Random Access Memory)
โ
HDD/SSD(Hard Disk Drive/Solid State Drive)
โ
Graphics Card/Video Card
โ
Heatsink Fan/Cooler
At ibat ibang mga uri ng cables sa loob.
Nakadipende sa Specs or Parts ng System Unit ang bilis ng takbo ng Computer. Mas gusto ng mga Customer natin o ng mga bata ang mas mabilis na computer para sa games na nilalaro nila.
Magkakaroon tayo ulit ng seperate na blog para sa mga parts sa loob ng System Unit
Mahalaga na malaman yoon para madali nalang mag troubleshoot kapag nagkaroon ng problema ang unit mo.
2. KEYBOARD: Ginagamit ang device na ito para manavigate ang computer. Isa sa mga parts ng pisonet na kapag maganda ang keyboard ay mas kumportable mag laro ang mga customer natin.
3. MOUSE: Kasama ng keyboard, ginagamit rin ito pang navigate ng computer. Sya ang gumagalaw sa tinatawag nating CURSOR sa loob ng monitor. Mas gusto ng mga Customer ang matitibay na mouse at hindi sirain. Napakahalaga nito sa kanilang paglalaro.
4. MONITOR: Kasama rin ng Keyboard at Mouse itong si Monitor. Isa sa pinakamahalagang part ng Pisonet dahil ito lumalabas lahat ng ginagawa sa computer.
Nakadipende din sa monitor ang nilalaro ng mga Customer natin.
5. HEADSET: Hindi maeenjoy ni Customer ang pag gamit ng Pisonet kung wala syang Headset. Dito lumalabas ang lahat ng tunog na nagmumula sa Computer. Kadalasan may kasama itong Mic na nagagamit nila para makipagusap sa laro.
6. COINBOX: Ito ang taguan ng mga parts na related sa paghulog ng PISO. Nakakabit sa Coinbox ang tinatawag nating Coinslot at Timer. Narito rin ang lagayan ng mga barya sa loob. Pati na rin ang saksakan ng SystemUnit at Monitor.
7.COINSLOT: Ito naman ang device na hinuhulugan ng barya ng Customer. Kada barya ay may kapakit na ORAS na lalabas sa Timer.
May ilang uri ng Coinslot na ginagamit sa Pisonet. Mayroong 1php Coinslot, 5php Coinslot at Universal Coinslot.
8. TIMER: Dito lalabas ang halaga ng ORAS na hinulog ni Customer sa Coinslot. Ang standard na oras sa PISO ay 4Minutes. Nakadipende nalang ito sa may-ari ng pisonet kung ilan ang ilalagay nya kada PISO.
9. CHAIR: Mas kumportable mag laro ang mga Customer kung maayos at maganda ang kanilang inuupuan. Mas maganda ang mga upuan na may sandalan para hindi sila mahirapan sa paglalaro.
At ito nga ang mga BASIC PARTS ng isang PISONET SETUP.
Sa mga susunod na blog. Iisa-isahin natin ang mga Parts na ito.
Ishshare ko rin ang ginawa kong setup sa PISONET SHOP ko simula sa COMPUTER, INTERNET, NETWORKING, DISKLESS at iba pa.
Kung may natutunan kayo dito. Like, Comment at Share nalang natin para marami pa ang matuto.
Maraming salamat mga Master!
Ifollow nyo lang ako para sa susunod na BLOG โ