
28/07/2023
ABISO: Kanselado ang pamamahagi ng social pension para sa mga senior citizen sa Caloocan City Hall - North at ang Batang Kankaloo Kids' Camp na nakatakdang ganapin sa Tala Elementary School, North Caloocan bukas.
Ang kanselasyon ng mga naturang programa ay dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Stay safe, mga Batang Kankaloo!