19/11/2025
October 19, 2025
Akala ko check-up lang…
Hindi ko in-expect na isisilang ko na pala ang fighter baby ko, kahit November 18 pa dapat ang EDD niya. Tinawag ko siyang fighter kasi simula’t sapul ng pagbubuntis ko, ang dami na naming pinagdaanan.
1st trimester, nagkaroon ako ng subchorionic hemorrhage at placenta previa kaya kailangan kong mag-bed rest at uminom ng pampakapit.
2nd trimester, lagi akong sumasakit ang puson at balakang. Buti na lang nawala na ang pagdurugo at umakyat na ang placenta—thank God 🙏. Pero dito rin namin nalaman sa CAS na baby boy pala siya at may clubfoot.
3rd trimester, September 28, dinala ako sa ospital dahil sobrang lakas ng pagdurugo—napuno ko pa nga ang diaper. Thank God closed pa rin ang cervix ko kaya pinauwi ako at kailangan ko pa ring mag-bed rest at magpampakapit.
Pero noong October 18, nung gabi, nag-bleeding ulit ako (hindi pa ganun kalakas). Pahinga lang ako, pero kinabukasan, tuloy-tuloy na ang bleeding at pati pag-ihi ko parang sobrang lakas ng agos. Yun pala, pumutok na ang panubigan ko. Kaya nagpunta kami sa ospital para magpa-check, at doon namin nalaman na hindi pala basta check-up manganganak na pala ako.
Sabi ng OB ko, may placenta abruption ako, 3 cm, at pumutok na ang panubigan ko kahit wala akong nararamdamang contractions. Kaya kailangan na akong i-emergency CS.
36 weeks and 2 days lang si baby, pero salamat sa Diyos, hindi na kailangan ng incubator dahil malakas siya. Naka-oxygen lang siya nung una at antibiotics. Fighter talaga—kahit nasa labas na siya, lumalaban pa rin.
Ngayon, 3 weeks na siyang nasa therapy at nilalagyan ng cast para ma-correct ang kanyang mga paa. Ako naman, kinailangan ng blood transfusion dahil ang daming nawala sa akin during the procedure. Pero salamat sa Diyos, safe kami pareho.
Super thankful din ako sa Dra. Honeyleen Pattugalan-Siriban —inalagaan niya kami ng baby ko up until now.
Sa family ko at family ni hubby, maraming salamat sa suporta nyo samin. Di namin to malalagpasan kung wala din kayo. 🙏❤️
To My Preemie baby Caishen 👣
Baby, you came earlier than expected, pero dala-dala mo ang lakas at tapang na hindi namin inakalang kaya mong ipakita. You are our little warrior—maliit pa pero puno ng laban. Every cast, every therapy, every tiny milestone mo, ipinapakita mo kung gaano ka katatag at kung gaano kalaki ang future na naghihintay sa’yo.
Mommy, Daddy Erbin Jay Villamor Padit and Kuya loves you so much. We’re here to fight with you, one day at a time. And someday, when you’re older and running around with strong, healthy feet, ikukwento namin sa’yo kung gaano ka kagaling na lumaban mula pa noong unang araw mo sa mundo.
You are our miracle, our blessing, our fighter. Happy 1st month! 💙🙏