28/08/2026
PNP ANTI-SMUGGLING OPS: ₱6.5-M HALAGANG SIGARILYO, NASABAT — 4 ARESTADO!
Patuloy ang pinaigting na kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa smuggling.
Sa magkahiwalay na operasyon sa Sultan Kudarat at Davao del Norte noong Agosto 27, 2026, apat na indibidwal ang naaresto at mahigit ₱6.5 milyon halaga ng hinihinalang puslit na sigarilyo ang nasabat.
📍 Columbio, Sultan Kudarat
Nasabat sa checkpoint sa Sitio Malingen, Barangay Poblacion ang isang Isuzu Elf van na may kargang 33 kahon ng hinihinalang smuggled ci******es, na tinatayang nagkakahalaga ng ₱1.41 milyon. Dalawang suspek ang naaresto.
📍 Asuncion, Davao del Norte
Dalawa pang suspek ang naaresto matapos makumpiska ang 90 master cases at 1,500 reams ng hinihinalang puslit na sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng ₱5.1 milyon.
Ang mga suspek at nakumpiskang produkto ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang legal na proseso.
Ayon kay Chief PNP Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., hindi lamang produkto ang pinoprotektahan ng mga operasyong ito kundi pati ang lehitimong negosyo, kita ng pamahalaan, at pagsunod sa batas.
“Hindi lang ito tungkol sa mga nakumpiskang produkto; it is also about protecting legitimate businesses and making sure that our laws are respected.”
Bahagi ito ng Focused Agenda ng PNP, partikular ng Enhanced Managing Police Operations (EMPO), na nakatuon sa koordinado, intelligence-informed, at mabilis na police action alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa isang ligtas na Bagong Pilipinas.
Hindi simpleng usapin ng sigarilyo ang smuggling. Kapag puslit ang produkto, nalalagay sa alanganin ang mga lehitimong negosyante at nababawasan ang kita ng pamahalaan.
Kaya mahalaga ang tuloy-tuloy at patas na enforcement.
Kapag may sapat na basehan, dapat umaksyon.
At kapag umaksyon, dapat naaayon sa batas, propesyonal, at may pananagutan.
Ang Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas. Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.
CTTO : PNP-PIO