29/10/2025
๐๐๐๐๐๐ | Matagumpay na Pagdiriwang ng United Nations 2025 sa M.B. Asistio Sr. High School-Unit I
Noong ika-24 ng Oktubre 2025, ganap na alas-onse ng umaga, matagumpay na idinaos sa covered court ng MB Asistio Sr. High School Unit I ang pagdiriwang ng United Nations 2025 na may temang โKumilos Ngayon para sa Mapayapang Daigdig.โ Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Kagawaran ng Araling Panlipunan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Araling Panlipunan.
Pormal na binuksan ang programa nina Bb. Mary Rose Raรฑas at G. Jervin Sta. Monica, mga tagapagdaloy ng palatuntunan. Sinundan ito ng pag-awit ng Makabansang Awitin, panalangin ni Bb. Charice Tala-oc, at pambungad na mensahe mula kay Gng. Rosemarie Juan, pinuno ng Departamento ng Araling Panlipunan.
Bago ipakilala ang mga kalahok, tampok muna ang makulay na pagtatanghal ng Jaguar Dance Crew na nagbigay-sigla sa programa. Pagkatapos nito, ipinakilala ang mga kalahok sa pamamagitan ng kanilang pagrampa, kasunod ng pagpapakilala ni Gng. Monique Sevilla sa mga iginagalang na hurado.
Ibinahagi ng bawat kalahok ang kani-kanilang adbokasiya para sa kapayapaan at pagkakaisa, na siyang nagbibigay-diin sa temang pandaigdigan ng selebrasyon. Pagkatapos nito ay ginawaran sila ng mga karagdagang parangal tulad ng Mr. and Ms. Peopleโs Choice, Mr. and Ms. Congeniality, at Mr. and Ms. Photogenic. Muling nagpasigla sa kalagitnaan ng programa ang Jaguar Dance Crew sa isa pang masiglang pagtatanghal.
Kasunod nito ay ipinahayag ni Dr. Danilo Baraquiel ang mga nagwagi sa ibaโt ibang patimpalak na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Araling Panlipunan. Sumunod naman ang pagrampa ng mga kalahok suot ang kanilang makukulay na pambansang kasuotan mula sa ibaโt ibang bansaโuna sa indibidwal na pagrampa at sinundan ng magkapares na pagtatanghal.
Bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at pagsisikap, binigyan ng sertipiko ng pagpapahalaga ang lahat ng kalahok. Nagbigay rin ng mensaheng pasasalamat si G. Jommel Limbaga, tagapayo ng samahan ng Araling Panlipunan.
Bago matapos ang programa, ipinakilala ang Mr. and Ms. United Nations 2024 na nagbahagi ng kanilang mga inspiradong mensahe para sa mga kalahok. Lubos ding ikinatuwa ng mga hurado ang ipinakitang talento at kumpiyansa ng mga kandidato kayaโt nagkaloob sila ng mga espesyal na parangal tulad ng Sponsorsโ Choice Award at โฑ3,000 halaga ng vouchers na maaaring gamitin ng mga nanalo, kalakip ng ibaโt ibang libreng serbisyo.
Iginawad ang mga sumusunod na kategorya: Best in Advocacy, Best in National Costume, Mr. and Ms. Hope, Mr. and Ms. Faith, Mr. and Ms. Peace, at Mr. and Ms. Charity.
Sa pinakahihintay na bahagi ng programa, itinanghal ang nagwagi ng Mr. at Ms. United Nations 2025. Sina Meighton Macawili, Mr. UN 2025, mula sa 7-Kindness at Yassi de Guzman, Ms. UN 2025, mula naman sa 7-Honesty.
โ๏ธ Isinulat ni : Klyde Francis Villarin
๐ Pagwawasto ng Sipi : Cheska Zen Cajes
๐ธ Kuhang larawan ni : Clark Vincent Mabajen
๐ฅ๏ธ Lay-out ng Larawan: Angelique Fhilo Bartolome