06/02/2025
OPEN LETTER sa lahat ng F&Ds, SELLER, BUYER and CO CEOs narin: Unang-una sa lahat HINDI po madali ang mag LIVE. Maswerte ako na meron akong TEAM na umaalalay sa akin. 💯
Maswerte din tayo dahil na BUILD ko ang ECOM account ko during the PANDEMIC. ♥️
To our F&Ds, may mga GCs po tayo, alam na alam niyo yan, lahat kayo pwedeng SUMALI at malagay sa BASKET. Huwag panghinaan ng loob, dahil sa dami niyo, pinipilit namin na i-accomodate kayong lahat. 🫡
Nag BAGSAK PRESYO ba kami? HINDI! At hinding-hindi po namin yan gagawin. Lahat po ng DISCOUNTS ay bigay ni TikTok Shop Philippines, pinagkakasya namin lahat ng BUDGET para makapagbigay ng FREEBIES. 😇
Lahat ng nasa BASKET namin ay F&Ds at SELLER ng Brilliant Skin Essentials. Never po kaming nag BASKET ng sarili namin, in short NAGBEBENTA at TUMATALAK kami sa LIVE para magkaroon ng benta ang mga SELLERS namin‼️‼️‼️
Nakakatampo lang na bakit pag ako, andami niyong talak? Kapag ibang CEOs, okay lang? 🤔
Mahal namin kayo kaya kami nagla-LIVE, ayaw namin na mapag-iwanan tayo. Sa ibang bansa, AI na halos lahat. Kung hindi tayo mag ADAPT, maniwala kayo, baka next year wala na ang brand natin. 💯
I-example ko nalang ang DIVISORIA, dati napakalakas nila, pero dahil may ECOM na, mahina na ang benta, pero tumigil ba sila? HINDI! Isa-isa silang nag ADAPT, yung iba HYBRID, may PHYSICAL STORE may ECOM STORE din. Yun ang tamang gawin. 📈
Hindi magmukmok, magparinig at lalong MAGPABILOG sa mga CEOs na todo parinig na SILA and dapat TANGKILIKIN dahil nasa TRADITIONAL ONLINE padin sila. 🥲
Wala na kayong magagawa, mabilis na ang takbo ng mundo, unahan na ang ShopeePay, TikTok at soon, mas madami pang madadagdag jan. 💯
Kami sa Brilliant Skin, proud ako na may ESTABLISHED TEAM ako for BOTH TRADITIONAL and ECOM. Wala kaming magagawa kundi SUMABAY dahil gusto ko pang makita ang BRAND ko sa mahabang panahon. 🫡
Ngayon, mamili ka, sasabay ka o maiiwan ka? 🤔
Huwag na huwag kayong magpabilog sa mga CEOs na ang thinking, sa TRADITIONAL ONLINE lang dahil tapos na tayo sa ERA na yon, tanggapin na natin. 💯
Hoping and praying padin kami na MALAKAS padin ang Traditional Online kaya meron kaming TEAM para jan at may TEAM sa mga gustong sumabay sa ECOM. ♥️
That's the reality, that's our reality and this is my truth! 🫡
Yung di makasabay, bibilugin lang kayo niyan in the end you will realize, hala, naiwan na pala ako. 💯
Heart,
Miss Glenda 💎