
29/08/2025
Paalala sa Mga Client para sa Cornrows at Braids
Ang disenyo at istilo ng inyong cornrows o braids ay hindi lamang naka-depende sa inyong nais, kundi higit na naka-base sa kondisyon ng inyong buhok at anit.
Ito ay upang:
• Masiguro na maayos at malinis ang kinalabasan ng gawa,
• Maiwasan ang sobrang higpit na maaaring magdulot ng pananakit o pagkasira ng buhok,
• Maprotektahan ang inyong anit laban sa iritasyon o anumang hindi magandang epekto.
Layunin namin na bigyan kayo ng pinakamaganda at pinakaligtas na resulta, kaya’t asahan po ninyo na ang aming rekomendasyon ay para sa inyong ikabubuti.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pagtitiwala. ✨