28/10/2025
Studyante pa lang ang Seaman alam na yan na ganyan talaga ang magiging routine, kaya nga yung iba maagang hindi na sumasakay at mas pinili na mas makasama ang pamilya at mag for good nalang sa lupa… And to all Seafarer’s wife at mga Jowa ng Seaman, please naman huwag nyong gawing rason yung mga absences ni Seaman sa mga mahahalagang araw sa inyong pamilya kapag nag-aaway kayo or pinapa konsensya nyo dahil absent sila … dahil hindi nyo alam what they are going through sa barko, marahil masayahin yan kapag nakakausap nyo sa Cp pero di nyo alam deep inside kung anong namgyayari sa kanya doon emotionally … Be Grateful nalang sa mga partners nyong Manlalayag!!!!
They say, “A seafarer can never be a good father.” Masakit pakinggan, pero minsan parang totoo. We’re great providers—tuition paid, groceries stocked, bahay naka-tiles, may kotse, may pasalubong. Pero pagiging provider is not the same as being present. Yung “good father” kasi hindi lang pera; it’s time, patience, kwentuhan sa gabi, PTA meetings, first game, first heartbreak. Sa barko, ang meron ka lang madalas ay shaky video call, delayed messages, at “Sorry, no signal, anak.”
Nine months on, three months off—ganun ang cycle. Pag-uwi mo, parang bisita ka sa sariling bahay. The kids have routines without you; si misis sanay na sa solo-parent mode. You try to make bawi in two or three months, pero life doesn’t pause just because you’re on shore leave. May tampo, may awkwardness, minsan may distance na hindi napag uusapan coz you both know where to begin.
Sa crew mess, naririnig ko lagi:
“At least secured ang future.” Totoo naman.
Pero may kapalit ang dagat. The toll shows up quietly—missed birthdays piling up, milestones na hindi mo nakita, relationships na lumalabnaw. Tapos pag-retire mo, doon mo ramdam lahat: stable na finances pero tahimik ang bahay; may savings pero wala yung closeness na na-miss mo for years. Parang nakarating ka sa final port, pero may naiwan kang parts of your life sa bawat dagat na dinaanan mo.
Hindi ito attack—hindi rin ito one-size-fits-all. May mga tatay na seafarer na kaya talagang habulin at alagaan ang bond, intentional sila sa calls, letters, small rituals, at quality time pag-uwi. Pero sa karamihan na kilala ko, good provider ≠ good father by default. Kailangan trabahuhin nang doble: set routines kahit online, be present kahit 15 minutes lang araw-araw, ipaglaban ang family time pag nasa lupa ka, at huwag iasa sa pera ang emosyonal na labor.
So yes, a seafarer can be a great provider. A good father? Possible—pero hindi automatic, at madalas masakit ang singil. Presence is the real currency. Kung saan man tayo dumaong, dapat siguraduhin nating hindi naiwan sa alon yung pagiging tatay.
Some will argue “HINDI AKO YAN!!, CLOSE KAMI NG MGA ANAK KO!” well it’s your belief, your story to tell, but iba ang nakikita mo sa nakikita at nararamdaman ng mga taong naka paaikot sa iyo., O baka yun lang ang feeling mo kasi malawak ang naging pang unawa ng mga anak mo not to hurt your feelings…