14/08/2026
๐โ๏ธ
SMALL BUSINESS, BIG SUPPORT TO WORKERS!
Limang maliliit na kumpanya ang boluntaryong nagpapatupad ng P85 arawang dagdag-sahod sa Metro Manila, sa kabila ng TRO na inilabas ng Pasig Regional Trial Court noong Hulyo.
Sa isang interview, pinasalamatan ni DOLE Secretary Francis Tolentino ang mga establisyimento ng โBulalohan sa 1stโ na isang casual dining restaurant sa Caloocan City; โREGASCOโ na isang distributor ng liquefied petroleum gas (LPG) industry; at โMeals in Minutesโ at โChizMozzaโ na pawang food stands sa Metro Manila.
โMga lima โyon na maliliit na kumpanya na kahit may TRO, tumupad pa rin sila. So pinasalamatan natin โyong mga nag-voluntary compliance,โ ayon kay Tolentino.
Kamakailan lamang ay pinagtibay ng kalihim ang patuloy na suporta ng DOLE sa Office of the Solicitor General para ilaban ang legalidad ng wage hike sa harap ng TRO.
Kasabay nito, pinagtibay ang pagpapalakas pa sa mga polisiya para sa disenteng trabaho, patas na kumpetisyon at napapanatiling mga negosyo.