18/08/2025
๐๐ฎ๐(๐๐๐๐), ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐๐ฎ! | ๐๐ฎ๐๐ผ ๐๐ฎ ๐ ๐๐ฟ๐ผ๐
Sa dalampasigan, ibaโt ibang uri ng alon ang humahampas sa pampang na siyang sinasalo ng harang na batong muros. May malumanay at mahinahon, mayroon ding malakas na tila ay nanlalamon. Sa kabila ng mga along ito, ang mga mumunting bato na bumubuo ng pader ay hindi sumusuko. Hindi sila nagpapatinag sa anumang laban. Ngunit paano kung ang mga batong ito ay hindi bato, kundi kabataan palang nasa walang katapusang laban at nasa gitna ng agos ng panahon?
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฑ๐ฎ๐บ๐ฝ๐ถ ๐ป๐ด ๐๐น๐ผ๐ป: ๐๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ป๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป
May mga alon na dumadampi nang marahan. Hindi upang sumira kundi magbigay ng kalakasan. Ito ang banayad na daloy ng inspirasyong bumalot sa Global Youth Summit (GYS) 2025 noong Agosto 3 sa SM Mall of Asia Arena, kung saan 33,600 youth leaders ang nagtipon. Sa ilalim ng iisang bubong, nagtagpo ang mga tinig na handang magbahagi ng pag-asa, ideya, at solusyon.
Isa sa mga malumanay ngunit malakas na tinig ay mula sa program director ng SM Cares Children and Youth, Royston Cabuรฑag, na nagpaalalang, โYou're not here just to be inspired, but you're here to be inspiring.โ Isang katagang hindi man kasing-lalim ng karagatan ngunit sing-linaw ng tubig na yumayakap sa dalampasigan. Ito ay nangangahulugang ang kabataang lider ay hindi lamang naroon upang makakuha ng lakas at pag-asa kundi ay magbigay ng inspirasyon sa madla. Ang mensaheng ito ay nagpasiklab ng damdamin ng bawat kabataan na naroon at mas nagpatibay ng kanilang paniniwala sa sarili.
Ang presidente at CEO naman ng Bless Microfinance Corporation na si Marie Beatrice Mendoza ay nagsabing, โThe world doesnโt need a perfect leaderโjust a present one.โ Sa simpleng mga katagang ito, nabuksan ang kamalayan ng marami na hindi kailangang maging perpekto upang maging epektibo. Ang mahalaga ay naroon ka na handang magpakatatag at kumapit sa muros upang hindi bumigay sa alon ng pag-aalinlangan.
Sa banayad na daloy, natututo ang kabataan kung paano maging matibay nang hindi nagiging marahas. Ito ang uri ng agos na dapat pahalagahan. Yaong nagtuturo ng tiyaga, nagpapanday ng pananampalataya, at nagpapalakas ng loob. Sa bawat kabataang naroon, ramdam na ang kanilang presensya ay hindi lamang para punuuin ang espasyo kundi upang pakita ang hindi matatawarang lakas ng kanilang tinig. At sa ilalim ng iisang layunin, ang bawat isa ay naging parte ng pader na magtatanggol sa kinabukasan.
๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐๐น๐ผ๐ป, ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐บ๐ผ๐ป
Hindi lahat ng alon ay banayad; may mga bugso na dumadating na parang unos at tila ay walang katapusan. Ito ang mga pagsubok na hinaharap ng kabataang lider sa makabagong panahon. Magmula sa maling impormasyon hanggang sa social pressure. Mula sa krisis pangkalikasan hanggang sa kawalan ng hustisya sa bayan. Tulad ng malalakas na alon sa dalampasigan, may lakas itong sumira kung hindi mapipigilan.
Ngunit hindi lamang ang mga ito ang hamon sa buhay ng kabataan. Madalas din nilang kalaban ang sarili sa tuwing sila ay may pinagdadaanan. May mga pagkakataong sa takot na kamuhian ng iba, mas pinipili na lamang na magtago. Mas ginugusto na magpanggap na kaya pang lumaban kahit na ang katotohanan ay gusto nang sumuko ng katawan. Ngunit sa kabila ng mga ito, dapat pa ring lumaban.
โMasakit maging totoo, pero mas masakit magtago,โ ani Edward Barber, isang celebrity advocate. Dagdag pa niya, โYou're strongest when you expose your pain. Only then can you truly begin to heal. And if you guys want to lead peopleโif we want to lead peopleโwe have to be better at exposing our pain and healing, so we can be stronger to lead the next generation.โ Paalala ito na kahit ang pinakamatitibay na bato, sa sobrang puwersa, ay maaaring mabiyak at madurog. Matutong ipahinga ang isipan at katawan nang sa gayon ay mas maging handa at malakas para sa mga susunod na hamon.
Sa kabilang dako, si Jessica Soho naman, isang Filipino broadcast journalist, ay nagbitaw ng kataga na โSa buhay man o pagsusulat, gamitin mo ang bubog o building block sa pagsulat ng iyong pagkatao. Dahil kung hindi, habambuhay itong magiging pasakit sa iyong buhay.โ Isang paalala na ang mga pagkakamali ay hindi dapat manatiling pagkakamali bagkus nararapat lamang na gamitin ito upang mas mapabuti ang sarili. Tulad ng mumunting batong bumabalot sa pader ng pampang, ang mararahas na daluyong ay hindi nila itinuring na pasakit, kundi ginamit upang lalong pakinisin ang sarili at patibayin ang kanilang pagkakaisa.
Kahit sa harap ng pinakamalalakas na hampas ng alon, nananatiling matatag ang pader sapagkat nagkakaisa ang bawat batong bumubuo rito. Natututo ang mga kabataang lider kung paano harapin ang daluyong nang hindi nababasag, at kung paano ibahagi ang lakas sa kanilang kapwa upang manatiling buo ang pundasyon. Sa bawat unos na nalalampasan, lalo pang tumitibay ang kanilang paninindigan. Sapagkat hindi ito laban ng iisa, kundi laban ng lahatโng bawat batong nakapaloob sa pader na siyang larawan ng kabataan.
๐ฆ๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐๐ฎ๐บ๐ฎ-๐๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐ฎ๐๐ผ, ๐๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ ๐ ๐๐ฟ๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ฏ๐๐ฏ๐๐ผ
Kung may isang bagay na naging malinaw sa Global Youth Summit 2025, ito ay ang lakas na ibinubunga ng sama-samang pagtindig. Ayon kay Royston Cabuรฑag ng SM Cares, may apat na susi upang manatiling matatag: Prepare, Partner, Perform, Prosper. Ang mga prinsipyong ito ay nagsisilbing mortar na nagdudugtong sa bawat bato upang maging mas buo at matibay ang pader. Hindi lamang ito panawagan para sa kabataan ngayon, kundi isang konkretong plano at matatag na pasya para sa mga susunod na henerasyon.
At upang maisakatuparan ang plano, ang kabataan ang siyang susi. Ayon nga kay Peter Fajardo, tagapagsalita ni Pasay City Mayor Imelda 'Ime' Rublano, โThe youth are not only part of the plan, they are the plan.โ Sila ang daan tungo sa mas matatag na bukas, ang dahilan kung bakit sa likod ng bawat takipsilim ay may katiyakan ng isang panibagong bukang-liwayway na higit na kaabang-abang.
Sa huli, ang lakas ng kabataan ay hindi nasusukat sa pisikal na tibay kundi sa kakayahang magkaisa, magtulungan, at magpanatili ng layuning higit sa kanilang sarili. Tulad ng mga batong bumubuo sa pader sa pampang, bawat isa ay mahalaga, maliit man o malaki ang anyo, at sa kanilang pagkakaisa nagiging matatag ang buong pader na hindi kayang gibain ng pinakamalalakas na alon.
Kayaโt kailangang manatiling nakatindig ang kabataan, handa sa banayad o mabigat na hampas ng alon, matatag sa gitna ng unos, at bukas sa pagdaloy ng inspirasyon. Sapagkat sa bawat pagdating ng alon, ang tunay na katanungan ay hindi lamang kung kaya nilang bumangon muli kundi kung handa silang manatili at ipagpatuloy ang laban. Sa pagpiling ito, mapatutunayan nila na ang tibay ng pader ay nakasalalay sa katatagan ng bawat isa. At sa kanilang pagtindig, hindi lamang pampang ang kanilang naililigtas bagkus pati ang kinabukasan ng kasalukuyang henerasyon at ng mga darating pang salinlahi.
Isinulat ni Angel Cabuquit
Inilapat ni Sean Daryl Borromeo