08/02/2026
Isinusulong natin sa Senado ang Senate Bill Blg. 1735 o Social Media Safety Act na naglalayong protektahan ang mga kabataan laban sa masasamang epekto ng social media sa pamamagitan ng paghihigpit sa mga wala pang labing-anim (16) na taong gulang sa paggamit ng mga serbisyo sa social media.
Oobligahin ng panukalang ito ang iba't ibang social media platform na hadlangan ang access ng mga kabataan sa tulong ng beripikasyon ng edad na naaayon sa Data Privacy Act ng bansa.