28/05/2025
Ngayong muling ipinatutupad ang NCAP sa ilang pangunahing kalsada sa Metro Manila, kami po sa Grab at MOVE IT ay aktibong nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan gaya ng MMDA at DOTr.
Layunin ng mga dayalogo na ito na marinig at maiparating ang inyong mga mungkahi at concern — mula sa four-wheel driver-, two-wheel delivery-, at motorcycle taxi rider-partners. Tinitiyak naming may makabuluhang pag-uusap kasama ang ating mga regulators upang masigurong ang pagpapatupad ng NCAP ay magiging mas angkop, makatarungan, at tunay na katuwang — hindi hadlang — sa inyong hanapbuhay.
Nagkakaisa po tayo sa layunin ng road safety kaya bigyan din natin ng pagkakataon ang mga tagapagpatupad ng NCAP na lalo pang pagandahin ang implementasyon nito. Kasabay nito, isinusulong namin na dapat itong ipatupad sa paraang hindi makakaapekto sa inyong kita at araw-araw na karanasan sa kalsada.