05/09/2025
Morobeats West Philippine Sea, Atin Ito
Blitzkrieg:
ang pangalan ay pinas aking lupang sinilangan,
Inubos nililimas itong Perlas ng silangan,
Buwis na kinaltas sa ating pinaghirapan
Sila’y katiwaldas imbis kakampi ay kalaban
mga ganid na dayuhan pati nanunungkulan,
mga pumaldo sa kaban ng bayan ang pinagkunan
Pakinggan nyo ang tinig ng mga nasa laylayan,
Ng lipunan hindi lang puro pabanguhan ng pangalan,
Di na masilayan ang anino pag lipas ng halalan
Teritoryong nga ba natin o tayoy alipin lamang
mismo kababayan natin sakim at syang gahaman
Puro kabig ang alam konsensya’y hindi tinatablan
Oo di dapat iasa sakanila ang pag asenso,
Umpisahan mo sa sarili ang ganap na pagbabago,
Kaso nga lang ano mang pagsikap mo ay napakalabo
Umunlad maliban na lamang sa mga nag bulsa ng pondo.