Ang Ispektrum

Ang Ispektrum Ito ang opisyal na page ng pahayagang pangkampus ng Cielito Zamora Junior High School.

Isang maligayang kaarawan sabutihing punong-g**o ng ating paaralan na si ๐——๐—ฟ. ๐—”๐—ฟ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฒ ๐—–. ๐—ข๐—ฐ๐—ผ๐—น! Ito ay isang pagbati mula s...
23/08/2025

Isang maligayang kaarawan sa
butihing punong-g**o ng ating paaralan na si ๐——๐—ฟ. ๐—”๐—ฟ๐—น๐—ฒ๐—ป๐—ฒ ๐—–. ๐—ข๐—ฐ๐—ผ๐—น! Ito ay isang pagbati mula sa amin! ๐ŸŽ‰

Nawa'y manatili ang iyong pagpupursigi at pagmamahal sa mga mag-aaral at g**o na tumitingala sa iyo. Ikaw ay isang ina para sa buong paaralan sapagkat tunay na nadarama namin ang iyong pagmamahal at suporta sa aming lahat. Kung kaya naman, hayaan mong ibalik namin ang lahat ng pagmamahal at na iyong ibinigay sa amin. Mahal ka naming lahat, Dr. Arlene! โค

๐—ฃ๐—”๐—›๐—œ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ   Sa huling pagkakataon, nais naming ihayag ang aming pagmamamahal at pagpapasalamat para sa'yo. Ikaw ay nagsi...
21/08/2025

๐—ฃ๐—”๐—›๐—œ๐— ๐—”๐—ž๐—”๐—ฆ

Sa huling pagkakataon, nais naming ihayag ang aming pagmamamahal at pagpapasalamat para sa'yo. Ikaw ay nagsilbing mabuting ehemplo sa mga Cielitian, simula sa iyong matuwid na pamumuno, magiting na pamamamahayag ay tunay na nakita ang iyong malinis na pagkatao. Ikaw ay isang tunay na karangalan ng ating Inang Paaralan. Ito na ang aming huling pamamamaalam sa iyo, ngunit ang iyong mga alaala na iniwan ay mananatili sa aming mga puso.

Ang buhay mo ay mananatiling isang bukas na libro para sa lahat ng mag-aaral, g**o at mga magulang na nagmamahal sa iyo, ito ay isang kuwentong puno ng inspirasyon para sa amin, mahal ka namin, Arianne.

Nagmamahal,
Ang Ispektrum Family

๐Ÿ“ฃ ๐—•๐—ข๐—ก๐—œ๐—™๐—”๐—–๐—œ๐—ข: ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข! Ngayong taon, sa pagdiriwang ng ika-25 Anibersaryo ng Philstagers Theater Foundation, ang The ...
07/08/2025

๐Ÿ“ฃ ๐—•๐—ข๐—ก๐—œ๐—™๐—”๐—–๐—œ๐—ข: ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—จ๐—ฃ๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข!

Ngayong taon, sa pagdiriwang ng ika-25 Anibersaryo ng Philstagers Theater Foundation, ang The National Mobile Theater Company of the Philippines ay buong pusong inihahandog ang isang makabansang palabas na magpapaalab ng ating damdaming makabayan.
"BONIFACIO: ANG SUPREMO", isang makapangyarihang musikal na isinulat at idinirekta ng multi-awarded at hinahangaang si Vince Taรฑada.

Kanina lamang ay dumalaw sa Cielito Zamora Junior High School ang mga miyembro ng Philstagers upang personal na imbitahan ang bawat Cielitian sa nasabing dula. Isa itong napakagandang pagkakataon upang masilayan nang live ang isang obra na sumasalamin sa kabayanihan, sakripisyo, at wagas na pag-ibig para sa Inang Bayan.

๐Ÿ—“๏ธ August 9, 2025
๐Ÿ•— 8:00 am
๐Ÿ“NOVADECI Convention Center, Quezon City

Isang palabas na hindi lang basta panonoorin, kundi mararamdaman at babaunin sa puso.

Tayo na at sabay-sabay tayong maging saksi sa buhay ni Andres Bonifacio: Ang Supremo!
Makialam. Makisama. Maki-Bayan.
๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Para sa Bayan, para sa Kasaysayan, para sa Cielitians!

โœ๏ธ: Simona Gabrielle C. Baldos

๐— ๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š! Hindi pa huli ang lahat! Para sa kaalaman ng bawat mag-aaral, kami ay patuloy pa ring naghahanap ng ...
27/07/2025

๐— ๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š!

Hindi pa huli ang lahat! Para sa kaalaman ng bawat mag-aaral, kami ay patuloy pa ring naghahanap ng mga nagnanais na maging mamamahayag sa mga kategoryang nakasaad sa anunsyo.

Para sa mga nagnanais na maging parte ng "๐—”๐—ป๐—ด ๐—œ๐˜€๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ฟ๐˜‚๐—บ", maaaring magbigay ng mensahe sa aming page. Sa mga susunod na araw, maaari ring lumapit kay Gng. Flordeluna M. Ora sa Filipino Faculty.

โœ๏ธ: Dweyn Xergxes T. Doctolero
๐Ÿ–ผ๏ธ: Dweyn Xergxes T. Doctolero

๐Ÿ“ข ANUNSYO: Gaganapin na ngayong araw ang huling pagsusuri ng mga mag-aaral na nagnanais maging mamamahayag sa kategoryan...
14/07/2025

๐Ÿ“ข ANUNSYO: Gaganapin na ngayong araw ang huling pagsusuri ng mga mag-aaral na nagnanais maging mamamahayag sa kategoryang 'Radio Broadcasting'. Narito ang mga detalye para sa gawaing ito:

๐—œ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ผ! ๐ŸŽ™๏ธMagpakitang gilas at ipakita ang inyong mga talento! Simula sa pagsusulat hanggang...
08/07/2025

๐—œ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฑ๐—ฎ ๐—ป๐—ฎ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐—ป๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ถ๐—ธ๐—ฟ๐—ผ๐—ฝ๐—ผ๐—ป๐—ผ! ๐ŸŽ™๏ธ

Magpakitang gilas at ipakita ang inyong mga talento! Simula sa pagsusulat hanggang sa paghahayag, maging Tanglaw ng Katotohanan at Katarungan! Halina't magsama-sama bukas, Hulyo 9, 2025, para sa isang gawaing inilaan sa mga mag-aaral na may pagnanais na maging parte ng Dyornalismo sa ating paaralan. Sa araw ng bukas, lumapit lamang kay Gng. Flordeluna M. Ora sa Filipino Faculty sa itinakdang oras.

Pinapaalalahanan din ang mga dadalo na magdala ng sariling kagamitan kung mayroon mang gagamitin para sa kategoryang sasalihan.

Para sa mga karagdagang katanungan, maaaring lumapit sa kaibigan o g**o na parte ng Ispektrum o kaya naman ay magsend ng isang mensahe sa aming page. Halina't maging mamamahayag!

๐Ÿ–ผ๏ธ: Dweyn Xergxes T. Doctolero
โœ๏ธ: Dweyn Xergxes T. Doctolero

Isinagawa ng Cielito Zamora Junior High School ang General Assembly ng Parent-Teacher Association. Pinangunahan ito ni M...
07/07/2025

Isinagawa ng Cielito Zamora Junior High School ang General Assembly ng Parent-Teacher Association. Pinangunahan ito ni Mrs. Jalyn Reyes bilang emcee. Sinimulan ang programa sa pag-awit ng Lupang Hinirang at pambungad na panalangin ni Mrs. Sherlyn Mahinay.

Nagbigay ng mensahe si Dr. Arlene Ocol, Punongg**o ng paaralan, kung saan inilahad niya ang mga proyektong pisikal tulad ng renovation ng covered court, drainage system, at sound system. Binanggit rin ang pagtaas ng enrollment at ang mga pagsasaayos sa mga pasilidad gaya ng CR at inilatag ang mga matagumpay na naisagawang proyekto ng paaralan.

Tinalakay ni Mr. Froiland Tindugan ang referral system na nakapaloob sa Unified Learners Handbook. Nagpaliwanag din si Dr. Jennifer Araja tungkol sa DepEd Order No. 013 s. 2022 ukol sa tamang pamamalakad ng PTA.

Nag-ulat si Mr. Christian Illeto, SPTA President, ng koleksyon mula sa Baitang 7โ€“10 na nagkakahalaga ng โ‚ฑ11,200 na ginamit para sa "I โค๏ธ CZJHS" standee. Kasabay nito ang kanyang pamamaalam bilang pangulo ng samahan.

Nagtapos ang programa sa mensahe ni Mrs. Marilou M. Suriaga na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtutulungan ng paaralan at magulang para sa tagumpay ng bawat mag-aaral.

Ulat ni: Simona Gabrielle C. Baldos

๐—ก๐—”๐—œ๐—ฆ ๐— ๐—ข ๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š? ๐Ÿค”Sapagkat kami ay nasasabik na kayo ay kilalanin at matuklasan ang inyong talento...
30/06/2025

๐—ก๐—”๐—œ๐—ฆ ๐— ๐—ข ๐—•๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐—š๐—œ๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—ก๐—š ๐— ๐—”๐— ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—ฌ๐—”๐—š? ๐Ÿค”

Sapagkat kami ay nasasabik na kayo ay kilalanin at matuklasan ang inyong talento sa pagsusulat, pagwawasto, pagguhit at pagkuha ng mga larawan.

Kung kaya naman, inaanyayahan namin ang lahat ng mag-aaral na nagnanais sumali sa Dyornalismo sa isang "Screening" na gaganapin sa mga susunod na araw na nakalagay sa anunsyo. Sa mga dadalo, ang nasabing gawain ay isasagawa sa Gate 1 kung saan may mga mesa at upuan na nakalaan para sa mga mag-aaral. Pagkadating naman dito ay maaaring hanapin o hintayin ang ating School Paper Adviser na si Gng. Flordeluna M. Ora para sa mga tema, balita at iba pang mga kinakailangan.

Para sa mga karagdagang katanungan, maaaring magsend ng "private message" sa aming Official page (Ang Ispektrum).

Kaya ano pa ang hinihintay niyo? Halina't makiisa at maging ๐—ง๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—น๐—ฎ๐˜„ ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐˜๐—ผ๐˜๐—ผ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐˜ ๐—ž๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฟ๐˜‚๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป! โœ’

๐Ÿ–ผ: Dweyn Xergxes T. Doctolero
โœ๏ธ: Dweyn Xergxes T. Doctolero

๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก, ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—œ๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—จ๐—ก๐——๐—œ๐—ก   Nagsagawa ng isang 'Orientation' ang paaralan ng Cielito Zamora Junior High School nitong ...
19/06/2025

๐—ž๐—œ๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก๐—œ๐—ก, ๐—”๐—Ÿ๐—”๐— ๐—œ๐—ก ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—จ๐—ก๐——๐—œ๐—ก

Nagsagawa ng isang 'Orientation' ang paaralan ng Cielito Zamora Junior High School nitong ika-17 ng Hunyo 2025 upang ipaalam ang mga tuntunin ng paaralan sa mga mag-aaral ng paaralang nabanggit.

Nagsimula ang programa sa pagtataas ng Pambansang Watawat ng Pilipinas na pinangunahan ng mga piling 'Boy Scouts'. Pagkatapos nito ay isinagawa na ang programa patungkol sa tuntunin at regulasyon ng paaralan para sa mga mag-aaral sa pangunguna ng kanilang Guidance Teacher na si G. Froilan G. Tindugan. Dagdag pa rito, ipinakilala na rin ang mga g**ong magtuturo sa kanila at ang mga g**ong may katungkulan.

Sa mga mag-aaral naman na panghapon ay katulad din ng nasabing programa ang isinagawa. Kung kaya naman ay maraming mag-aaral ang muling napaalalahanan patungkol sa mga regulasyon ng paaralan.

"๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ"   Sinimulan na ang unang araw ng Brigada Eskwela ngayong Lunes, Ika-9 ng Hunyo, 2025...
09/06/2025

"๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐˜€๐—ฎ๐—บ๐—ฎ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜€๐—ฎ"

Sinimulan na ang unang araw ng Brigada Eskwela ngayong Lunes, Ika-9 ng Hunyo, 2025 sa paaralan ng Cielito Zamora Junior High School, sa pangunguna ng kanilang Brigada Eskwela Coordinator na si G. Froilan G. Tindugan. Dito ay nagsama-sama ang mga mag-aaral, g**o at mga magulang upang makinig sa isang seremonya patungkol sa tuntunin at paalala ng paaralan. Matapos ang seremonya ay dumaan naman sa isang proseso ang mga mag-aaral kung saan sila ay pinabasa at dumaan sa isang "Physical Checking".

Para naman sa mga susunod na araw ay magpapatuloy ang nasabing gawain para sa iba pang mag-aaral mula sa ibang baitang. Kung kaya naman, inaasahan ng paaralan ang paglahok ng bawat isa sa gawaing ito.

โœ’ : Dweyn Xergxes T. Doctolero
๐Ÿ“ท: Marvie Myles A. Sertimo | Aldrhen A. Luklukan | Damien Yua S. Salinas | Bon Erez A. Ramos | Novy Ayesha M. Madrid | atbp.

WORLD PRESS FREEDOM DAY โ€œPress freedom is not just a human right, itโ€™s a necessary tool for right access to information....
03/05/2025

WORLD PRESS FREEDOM DAY

โ€œPress freedom is not just a human right, itโ€™s a necessary tool for right access to information.โ€

Ngayon, sama-sama nating protektahan ang kalayaan ng bawat mamamahayag na handang maghatid ng isang makalidad at makatotohanang balitaโ€”ngayon, bukas, at magpakailanman.



๐Œ๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ขMayroon ka bang uniporme na hindi na ginagamit ngunit ito'y maayos pa!?  Ano pang hinihintay mo maki...
24/04/2025

๐Œ๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐š๐ญ ๐Œ๐š๐ ๐›๐š๐ก๐š๐ ๐ข

Mayroon ka bang uniporme na hindi na ginagamit ngunit ito'y maayos pa!?

Ano pang hinihintay mo makiisa sa aming proyekto kung saan ang hindi mo na ginagamit na uniporme ngunit maayos pa ay ibibigay sa ating mga kapwa Cielitians na nangangailan ng bagong uniporme sa susunod na pasukan. Ang pakiisa mo ay malaking tulong upang magkaroon ng maayos at maaliwas na kasuotan ang iyong kapwa Cielitians!

Sa mga nais makiisa at magbahagi ay maaari ninyo po itong dalhin sa ating paaralan Cielito Zamora Junior High School at ibigay sa ating mga Department Heads, naroroon sila mula 9:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Ang simpleng pakikibahagi mo ay makakatulong sa isang mag-aaral na may pangarap at nagsusumikap!

Muli, Maraming Salamat, Cielitians!


Address

Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Ispektrum posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share