05/09/2025
𝐏𝐀𝐑𝐓 𝟐 | 𝐏𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐧𝐨𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓: 𝐇𝐚𝐧𝐝𝐨𝐠 𝐬𝐚 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐃𝐚𝐤𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐠𝐮𝐬𝐭𝐢𝐧!
Siksik, liglig, at nag-uumapaw na kasiyahang ipinagdiwang ng buong komunidad ang 𝐏𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐧𝐨𝐲 𝟐𝟎𝟐𝟓 sa alaala ni 𝐒𝐚𝐧 𝐀𝐠𝐮𝐬𝐭𝐢𝐧 at ng Dakilang Kapistahan ng 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧, na ginanap kahapon, 𝐒𝐞𝐭𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟓, sa 𝐋𝐚 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧 𝐂𝐨𝐥𝐥𝐞𝐠𝐞, 𝐂𝐚𝐥𝐨𝐨𝐜𝐚𝐧. Bilang panimula, nagsimula ang makulay na okasyon sa isang masiglang 𝐩𝐫𝐮𝐬𝐢𝐬𝐢𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐈𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐧𝐬𝐨𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧, at pagkatapos, sinundan ito ng isang 𝐛𝐚𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐦𝐢𝐬𝐚 para sa kapistahan ni Inang Maria, na 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠𝐮𝐧𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐑𝐞𝐯. 𝐅𝐫. 𝐀𝐧𝐭𝐡𝐨𝐧𝐲 𝐏. 𝐀𝐜𝐮𝐩𝐚𝐧, 𝐎𝐒𝐀. Kasunod nito, nag-alay ang mga LCCian ng isang masining na sayaw bilang handog kay Maria.
Samantala, kasabay ng pista, 𝐢𝐬𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐫𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐨𝐥𝐞𝐦𝐧 𝐈𝐧𝐯𝐞𝐬𝐭𝐢𝐭𝐮𝐫𝐞 𝐑𝐢𝐭𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐌𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐀𝐥𝐭𝐚𝐫 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐞𝐫𝐬. Ang layunin ng gawaing ito ay pormal na pagtanggap ng mga bagong kasapi sa liturhikal na ministeryo, pati na rin ang pagbibigay sa kanila ng karangalang magsuot ng mga kasuotang tanging para sa mga tagapaglingkod sa misa.
Sa kabila ng mga pagsubok, ang Pistang Pinoy ay isang taunang kaganapan na labis na inaabangan ng mga LCCian. Bilang pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Consolacion, ang Pistang Pinoy ay nagsilbing 𝐬𝐢𝐦𝐛𝐨𝐥𝐨 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 ng buong komunidad. Bagamat nahirapan ang selebrasyon dulot ng masamang panahon at ilang mga suspensyon ng klase, hindi naging hadlang ang mga pagkaantala upang magpatuloy ang Pistang Pinoy.
Higit pa rito, ang bawat silid-aralan ay naghatid ng kasiyahan sa pamamagitan ng kani-kanilang mga programa, na nagdulot ng ngiti at ligaya sa mga estudyante. Kasabay nito, ipinamalas ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang antas ng grado ang kanilang mga natatanging talento sa pagkanta at pagsayaw. “𝑷𝒊𝒔𝒕𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒊𝒏𝒐𝒚 𝒊𝒔 𝒊𝒎𝒑𝒐𝒓𝒕𝒂𝒏𝒕 𝒕𝒐 𝒓𝒐𝒐𝒕 𝒖𝒔 𝒕𝒐 𝒐𝒖𝒓 𝒄𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒆, 𝒕𝒉𝒆 𝑭𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒐 𝒄𝒖𝒍𝒕𝒖𝒓𝒆,” ayon kay 𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐒𝐫. 𝐉𝐨𝐚𝐧 𝐁𝐫𝐢𝐠𝐢𝐝𝐚 𝐂𝐨𝐫𝐚𝐳𝐨𝐧 𝐈𝐧𝐟𝐚𝐧𝐭𝐞, 𝐎𝐒𝐀.
Sa kabuuan, ang Pistang Pinoy ay hindi lamang isang kapistahan, kundi isang 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐭𝐚𝐨𝐧 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐬𝐚 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐀𝐠𝐮𝐬𝐭𝐢𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐤𝐨𝐦𝐮𝐧𝐢𝐝𝐚𝐝. Tunay, ito ay isang pagninilay at pag-alala kay San Agustin, pati na rin ang taimtim na pag-aalay ng dasal kay Inang Maria, ang gabay at ilaw ng ating payak na komunidad.
𝐈𝐤𝐚𝐰 𝐋𝐂𝐂𝐢𝐚𝐧, 𝐚𝐧𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐈𝐒𝐓𝐀𝐟𝐚𝐯𝐞 𝐦𝐨𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐦𝐨? 𝐒𝐡𝐚𝐫𝐞 𝐦𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐚𝐧 𝐢𝐲𝐚𝐧!
MGA SALITA | Adora, Ma. Euriah Rasha M.
MGA LARAWAN | The Word - Ang Kalatas Publication Team, Ms. Julieta R. Cruz, at mga gurong tagapayo
DISENYO NG LARAWAN | Malaya, Regina Rain C., at Sevilla, Shannon Liana A.