Talk Neneng

Talk Neneng Makituhog. Makisawsaw. Makibalita. Ito ay isang organisasyong binubuo ng mga kabataang manunulat na sina Crishia Danavanne C. Villanueva, Jimboy M. Makituhog! Est.

Napoles, Sunshine Joy T. Requejo, Eliza Mae R. Avellana, Lloyd Vincent T. Nillos, at Jo-Ana Lucas, na naghahatid at nagpapahayag ng mga balita at impormasyon na tumatalakay sa mahahalagang paksa at pangyayari sa loob ng bansa. Ang pangunahing layunin ng organisasyong ito ay maghatid ng libreng balita at impormasyong tapat at may kredibilidad sa masang Filipino. Makisawsaw! Makibalita! December 2016

Ating muling sariwain ang kabutihang ipinamalas ng isang grab driver na si Carlo Diaz. Narito ang buong kwento: https://...
07/01/2017

Ating muling sariwain ang kabutihang ipinamalas ng isang grab driver na si Carlo Diaz.

Narito ang buong kwento: https://talknenengph.wordpress.com/2017/01/08/112/

Kapos man sa pera ay hindi naging rason para kay Carlo Diaz, isang grab driver, upang hindi tumulong sa kapwa. Noong Pebrero 2016 ay ating nakilala si Carlo Diaz dahil sa kabutihang ipinamalas nya.…

Saan mang sulok ng mundo kayo naroroon, ang inyong lakas ng loob, sakripisyo at pagmamahal ay mananatiling nakakonekta s...
24/12/2016

Saan mang sulok ng mundo kayo naroroon, ang inyong lakas ng loob, sakripisyo at pagmamahal ay mananatiling nakakonekta sa aming mga puso.

Maraming salamat sa pagtataguyod ng ating pamilya! Sama-sama pa rin tayo ngayong pasko.

Kung Prof mo si Santa, anong request mo sa kanya?Kung Boss mo si Santa, anong hirit mo sa kanya?Kung Daddy mo si Santa, ...
24/12/2016

Kung Prof mo si Santa, anong request mo sa kanya?
Kung Boss mo si Santa, anong hirit mo sa kanya?
Kung Daddy mo si Santa, anong wish mo sa kanya?
Kung Ex mo si Santa, may gusto ka bang sabihin sa kanya?

22/12/2016
Talk NenengMakituhog. Makisawsaw. Makibalita.
11/12/2016

Talk Neneng
Makituhog. Makisawsaw. Makibalita.

“Tokneneng”Ni Neneng CrishiaAng tokneneng ay isa sa mga putaheng kilala at tinatangkilik ng mga Pilipino. Noon pa lamang...
11/12/2016

“Tokneneng”
Ni Neneng Crishia

Ang tokneneng ay isa sa mga putaheng kilala at tinatangkilik ng mga Pilipino. Noon pa lamang ay kilala na ang tokneneng dahil sa kakaibang lasang hatid nito at dahil sa mabibili ito sa murang halaga lamang. Kabilang ito sa mga “street foods” at ito ay kadalasang binibili o kinakain ng mga Pilipino sa miryenda. Nagmula sa pinakuluang itlog ng manok na pinagulong-gulong sa arina, inilublob sa kumukulong mantika, inisawsaw sa s**a na may pipino, ay huling-huli nito ang panlasang pinoy. Kaya’t hindi nakapagtatakang mula noon hanggang ngayon ay isa ito sa mga paboritong kainin ng mga Pilipino lalo’t higit para sa masang Pilipino.

Maihahalintulad ang kilalang putaheng ito sa mga balita at impormasyong ating nakukuha at nalalaman sa araw-araw. Gaya ng tokneneng, nararapat lamang na ang mga balita at impormasyong ating nalalaman ay may sustansya, mahalaga, at mabibili nasa murang halaga. Ang tokneneng ay para sa lahat. Mas tinatangkilik man ito ng mga nasa mababang antas ng lipunan ay hindi pa rin dapat ito ipagkait sa mga nasa taas. Sa pagtanggap ng mga balita at impormasyon, lahat ay pantay-pantay.

Ang tokneneng ay sumisimbulo at nagrerepresenta sa mga balita at impormasyong kami mismo ang naghanda at aming ihahain sa lahat lalo’t higit para sa masang Pilipino. Mga balita at impormasyong tumatalakay sa mahahalagang paksa at pangyayari sa loob ng bansa at naglalayong maghatid ng libreng balita at impormasyong tapat at may kredibilidad sa masang Pilipino.

Kaya’t tayo na at makituhog, makisawsaw, makibalita!

Address

Samson Road
Caloocan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Talk Neneng posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Talk Neneng:

Share