29/08/2026
Nadale tayo ng scammer kanina lang. Ang tawag sa ganitong modus ay "THIRD PARTY SCAMMER/SCAM". Please share this post for awareness. Medyo mahaba lang para ma explain ko ng maayos at maintindihan nyo pano 'to nangyayari. Actually matagal natong scam or modus na'to pero now lang natin na-experience first hand.
May binebenta ako na Insta360 X4 with freebies like 4 additional batteries (1st pic). Then may nag inquire thru my Facebook Marketplace ad last Thursday, BABY MARAH SMITH ang gamit nyang FB account (pic 2). Binalikan nya ako kanina, kukunin na daw nya yung item for 20k from 22k na price ko. Nung una hindi nya nabook agad, so sabi nya lunch time na lang daw. Come lunch time, "nag book sya" Lalamove rider, papacheck daw nya sa rider bago bayaran. Pinaka ayaw ko yung ganitong transaction pero pumayag na din ako for the first time. Ayaw ko kc ng naiistorbo rider sa pagiintay ng payment ng buyer. Anyway dumating na si rider, lakas pa naman ng ulan. Tapos gusto ni buyer videohan at picturan ko si rider habang kinakalikot yung camera at isend ko daw sa kanya. Ayaw ko, I just feel that the buyer is asking too much, I mean in doubt ka pala, sana ikaw na lang mismo pumick up. Anyway pinacheck ko kay rider then nag pm si buyer na picturan ko man lang daw si rider, ginawa ko pero nagsabi muna ako kay rider. Tinawagan ni rider yung nagbook sa kanya, both of me and the rider thinking na iisa ang taong kausap namin. After checking sabi ko padala na nya payment para makaalis na rider. Wait daw. Minutes later wala pa din. Dami nya reason sa delay ng payment. Medyo nagdududa na ako hanggang sa last chat ko, blocked na ako. Sabi ko sa rider mukhang third party scam to. Di aware si rider. Sabi ko tawagan nya nga yung nagbook. And ayun na nga, sabi ng nagbook nagpadala na sya payment. Sabi ko wala naman sya pinadala. Yun pala iba ang kausap nung nagbook ng Lalamove sa kausap ko na nagpanggap na buyer. Ang kausap nung nagbook sa FB ay may name na RIGEL QUIENDAY. Si Rigel may post na nagbebenta sya X4, check the pics, madami sya post sa iba't ibang groups with different items. Etong nagbook ng Lalamove na Renelyn ang name ay kausap si Rigel para bilin nya yung X4 nito. Matagal sila magka chat at nung deal na, binigay ni Baby Marah pretending as Rigel kay Renelyn yung address at number ko para mabook nya sa Lalamove. Usapan nila ay checheck muna ni rider bago magpadala ng payment si Renelyn kay Rigel. While asa harap ko si rider at chinecheck yung item, kausap ni Renelyn si rider sa phone thinking na yung chinecheck na X4 ni rider ay yung X4 ni Rigel. Nagpadala ng 13500 si Renelyn kay Rigel sabay na blocked na ako ni Baby Marah at na blocked na si Renelyn ni Rigel. Ang naiwan ay ang kawawang rider kasi sya ang kinukulit ngayon ni Renelyn thinking na legit yung sinendan nya ng payment. Nagusap usap kaming 3 at pinaliwanag ko sa kanilang 2 na third party scam ang tawag sa nangyari. On my side, abala at experience ang nakuha ko. Si Rider naabala at natalo kasi canceled yung booking nya. Si Renelyn ang pinaka victim kasi nawalan sya 13500. Paano maiiwasan ang ganitong scam? Wag pic or video, real time video call gawin nyo habang nakikita mukha ng kausap nyong seller. 2nd, sinabi na ni rider na 5 ang batteries ng X4 ko, yung X4 nung scammer ay 3 ang batteries. Dapat dun pa lang nagtaka na si Renelyn bakit iba ang kasama nitong asa harap ng rider sa usapan nila ni Rigel. May box din yung sa scammer at walang box yung sa akin. Mga details na dapat pinapansin agad. Wag din maniniwala sa presyong sobrang baba, 13500 for an x4 with many freebies?? And of course, better if trusted ang seller or meet na lang. Please check the pics here para sa chat ng bawat isa at mga profiles ng scammer. Sinend nga pala yung payment sa Maya with the name Rigel Quienday at number na 09923348368. Sana wala na sila mabiktima. Dati na din pala naipost tong number na ito as scammer, check last pic.