26/09/2025
AKALA KO SOULMATE… PINSAN KO PALA. | CONFESSION
Gusto ko lang mag-share ng kwento ko. Hindi siya madali ikwento, kasi hanggang ngayon, bitbit ko pa rin yung sakit.
Sa Pasig City kami nakatira, pero nung pandemic, 2021 bumalik kami sa Batangas para doon na tumira kasama ng ibang mga relatives namin. Doon nagsimula ang lahat.
Through a common friend, nakilala ko siya. Sa una, simpleng magkakilala lang, kwentuhan, tambay. Pero habang tumatagal, naging close kami. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Hanggang sa dumating yung time na niligawan niya ako. After 6 months, sinagot ko siya. Doon ko naramdaman yung tunay na saya — kasi ramdam ko, seryoso siya sa akin.
April 2022, nagkaroon ng family reunion yung side namin. Siyempre, excited ako, kaya ininvite ko siya na sumama para maipakilala. Sabi niya, “Check ko pa, may pupuntahan din kasi kami.” Okay lang, I respected that.
Pero nung mismong araw, doon na nangyari yung hindi ko in-expect. Pagdating ko sa resort, nakita ko siya. Nagulat ako — and mas nakakagulat pa, kasama niya ang pamilya niya. At doon namin nalaman… magpinsan pala kami.
Hindi ko alam yung nararamdaman ko, ang weird. Hindi ko matanggap, yung taong minahal ko, naging boyfriend ko for 4 months, yung kasama kong mangarap ng future — kamag-anak ko pala.
Ang masakit pa, sa loob ng relasyon namin, may mga nangyari na. Hindi lang basta “kami,” may mga plano na kami sa buhay. Kaya nung nalaman namin yung totoo, ang hirap tanggapin.
Nag-decide kami maghiwalay, kasi mali talaga. Pero hindi rin ganun kadali. Aminado ako — may mga pagkakataon na patago pa rin kaming nagkikita. Hindi kasi ganun kabilis mawala yung pagmamahal na totoo.
Hanggang ngayon, dala ko pa rin yung tanong: paano kung hindi pala kami magpinsan? Siguro siya na yung taong pakakasalan ko.