Balitang NCR

Balitang NCR News Updates

Ang "Alay sa Bayan" Maynila,— Namayani ang katahimikan at galing sa gitna ng Luneta nang idaos ng Philippine Marine Corp...
26/02/2026

Ang "Alay sa Bayan"

Maynila,— Namayani ang katahimikan at galing sa gitna ng Luneta nang idaos ng Philippine Marine Corps ang kanilang Changing of the Guard at Silent Drill Exhibition nitong nakaraang Pebrero 22, 2026.

Sa paanan ng Bantayog ni Rizal, ipinakita ng mga kawal-Marino ang kahulugan ng tunay na pagkakaisa sa pamamagitan ng kanilang mga sabay-sabay at eksaktong galaw. Ang bawat hakbang at tunog ng armas ay nagsilbing paalala sa dedikasyon ng ating mga sundalo sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa ating bansa.

Layunin ng kaganapang ito na muling buhayin ang nasyonalismo sa puso ng bawat Pilipino, lalo na sa mga kabataang nakasaksi sa pambihirang husay ng ating mga Hukbong Kawal Pandagat ng Pilipinas .Ang tagumpay ng aktibidad na ito ay simbolo ng matatag na ugnayan ng Philippine Marine Corps at ng komunidad.

HVI ARESTADO SA BUYBUST NG PNP DRUG ENFORCEMENT GROUP SA QUEZON CITYQUEZON CITY — Isang High-Value Individual (HVI) ang ...
26/02/2026

HVI ARESTADO SA BUY
BUST NG PNP DRUG
ENFORCEMENT GROUP SA
QUEZON CITY

QUEZON CITY — Isang High-Val
ue Individual (HVI) ang naaresto
sa isinagawang buy-bust opera
tion ng Philippine National Police
Drug Enforcement Group (PNP
DEG) noong Pebrero 21, 2026, ban
dang 11:30 ng gabi sa Posooy Street,
Brgy. Masambong, Quezon City.

Ang operasyon ay pinangunahan
ng Special Operations Unit 4A ng
PNP DEG sa ilalim ng pamumuno
ni PBGEN Elmer E. Ragay, katu
wang ang Masambong Police Sta
tion, Philippine Drug Enforcement
Agency-NCR, Regional Intelligence
Unit-NCR, at Integrity Monitor
ing and Enforcement Group-NCR.

Kinilala ang naarestong suspek sa
alyas na “Marc,” 26 anyos, at itinu
turing na High-Value Individual.

Nasamsam sa operasyon ang hu
migit-kumulang isang kilo ngpinaghihinalaang tuyong dahon ng
ma*****na at apat na piraso ng liq
uid ma*****na cartridges na may
tinatayang kabuuang standard
drug price na PhP130,000.00, bu
kod pa sa iba pang non-drug items.

Dinala ang suspek sa Masambong
Police Station para sa dokumen
tasyon at kaukulang disposisyon,
habang ang mga nakumpiskang
ebidensiya ay isasailalim sa lab
oratory examination sa Region
al Forensic Unit 4A sa Camp Vi
cente Lim, Calamba, Laguna.

Ayon kay PBGEN Ragay, magpa
patuloy ang kanilang misyon sa
pagsasagawa ng mga operasyon
laban sa mga sangkot sa pagga
wa, pag-aangkat, at pagbebenta
ng ilegal na droga, at titiyakin ani
ya na maisasampa at maisusulong
nang maayos ang kaso laban sa
suspek.
-DHOMER GOBOLEO

Address

Caloocan
1400

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Balitang NCR posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share