10/10/2025
MGA LUGAR SA CAVITE NA POSIBLENG TAMAAN NG ‘THE BIG ONE’ SAKALING GUMALAW ANG WEST AT EAST VALLEY FAULT LINE!
Ilang bahagi ng Cavite ang posibleng lubhang maapektuhan ng The Big One matapos kumpirmahin ng mga eksperto na tinatahak ng West at East Valley Fault Line ang ilang bayan sa lalawigan.
Ang dalawang aktibong linya ng lindol na ito ay may kakayahang magdulot ng Magnitude 7 o mas malakas pang pagyanig! 😱
Ayon sa PHIVOLCS, nagsisimula ang fault system sa Montalban, Rizal, at dumaraan sa mga bayan ng Carmona, Silang, at Calamba. Ilang barangay at subdivision sa mga lugar na ito ang direktang nasa ibabaw o paligid ng fault line.
📍 Mga lugar sa Cavite na nasa paligid ng fault line:
Carmona, Cavite
• Southwoods Phase 6
• San Lazaro Leisure and Business Park
• Carmona Estates
• Canyon Ranch
• Moderno Homes
General Mariano Alvarez (GMA), Cavite
• Tinienta Tiago Compound
• Barangay Macario Dacon
Silang, Cavite
• The Beacon Academy
• Richland Hills Phase 1
Ang huling naitalang paggalaw ng fault line ay noong 1658, at tinatayang nagiging aktibo ito kada 300 taon ±100 taon, kaya may posibilidad na muling gumalaw anumang oras.
Kung muling kikilos ito, posibleng maranasan ng Cavite ang malakas na lindol na maaaring magdulot ng pagguho ng lupa, paglubog ng ilang bahagi ng komunidad, at pagkasira ng mga bahay, kalsada, at gusali.
ctto