Wildfire Youth Ministry

Wildfire Youth Ministry Christian World Ministries - Camarin

Not by chance.Not by my own strength.But by the hand of a sovereign God who does great things!
04/07/2025

Not by chance.
Not by my own strength.
But by the hand of a sovereign God who does great things!

04/07/2025

Devotion for today

Kung may makagawa sa atin ng mabuti huwag nating gantihan ng masama upang di natin maranasan ang kapahamakan, bagkus pahalagahan at pasalamatan natin na may mga taong gumagawa at nagpapakita ng kabutihan sa atin. At huwag din tayo magsawa gumawa ng mabuti sapagkat ang Diyos ang bahala na magbalik ng pagpapala ayon sa kanyang kalooban.

Halfway through the year, and still You amaze me.Your goodness never runs dry!You've carried me through every high and l...
03/07/2025

Halfway through the year, and still You amaze me.
Your goodness never runs dry!
You've carried me through every high and low β€” and I know You’ll do it again. πŸ”₯❀️

27/06/2025

Devotion for today

Bawat paggising at sa buong araw na paggawa ay nakatuon sa atin ang Panginoon kung paano natin ginugugol ang ating buhay. At sa araw ng ating pagharap sa kanya ipagsusulit natin ang lahat ng ito. Walang anumang bagay ang ating maitatago sa Diyos. Kaya sikapin nating sa bawat araw maganap ang kalooban niya.

26/06/2025

Devotion for today

Sa lahat ng ating mga pinagdadaanan tayo ay hinuhubog at tinuturuan, sinasanay tayo ng Panginoon sa mga laban ng buhay. Ngunit hindi niya tayo pinapabayaan bagkus iniingatan at inililigtas. Dahil nais ng Panginoon na maging matapang tayo at matatag sa pagharap sa mga kinakaharap nating laban. Sa lahat ng ito siya ang tumutulong sa atin para magtagumpay.

26/06/2025

𝘈𝘳𝘦 𝘺𝘰𝘢 𝘣𝘳𝘰𝘬𝘦𝘯? 𝘊𝘳𝘢𝘴𝘩𝘦π˜₯ π˜ͺ𝘯𝘡𝘰 𝘱π˜ͺ𝘦𝘀𝘦𝘴?
So was the alabaster jar. It was shattered, not wasted,
so its fragrance could be poured out in worship.

It was costly. Precious. And so are you!πŸ’š

Sometimes, it takes the breaking for the beauty within to rise.
In the crushing, comes the calling.
In the breaking, comes the breakthrough. πŸ™‡β€β™€οΈ

He is coming back!Stand your ground. Endure in faith.Wait for the blessed hope.
25/06/2025

He is coming back!
Stand your ground.
Endure in faith.
Wait for the blessed hope.

20/06/2025

Devotion for today

Madalas nagdedesisyon tayo mas sinusunod natin ang mga sarili nating kagustuhan. Kahit na ito ay hindi ayon sa Salita ng Diyos. Iniisip natin na mabuti ang ginagawa natin at wala tayong ginagawang masama subalit ang resulta ay kapahamakan at maaring magdulot sa atin ng pagsuway sa kalooban ng Panginoon. Kaya kailangan natin ng karunungan galing sa Diyos dahil iisa lang buhay at huwag nating pairalin ang katigasan ng ulo upang hindi ito humantong sa magulo at kapahamakan na maaaring magdulot pa ng kamatayan. Dahil maaring matuwid sa ating paningin ngunit kamatayan pala ang dulo nito.

19/06/2025

Devotion for today

Ito ay paalala na bilang mga lingkod ng Panginoon nabubuhay tayo na dapat nakabase ayon sa Salita ng Diyos. Sa ating mga plano at gagawin sa bawat araw kalooban niya ang ating laging isaisip. Mabuhay tayo na naayon lamang sa kung ano ang nais niya. At kung tayo ay mamatay ito ay ayon pa rin sa kalooban niya dahil siya ang ating Panginoon at may ari ng buhay natin. Magaganap ang lahat nang ito ayon sa plano niya sa atin. Kaya sikapin natin na sa mabuhay o sa mamatay sa Panginoon tayo.

18/06/2025

Devotion for today

Mag ingat tayo sa mga pakana ng diyablo. Maraming pamamaraang ginagawa ang diyablo para idiscourage at ibagsak tayo. Madalas ginagamit niya ang ating mga kahinaan upang matrap tayo at madismaya at huwag ng magpatuloy, minsan naman ginagamit din niya ang mga tagumpay natin upang maging mapagmataas. Huwag nating hayaan na magtagumpay siya sa buhay natin, gamitin natin ang mga sandata na kaloob ng Diyos sa atin sapagkat sa sarili nating kakayanan hindi natin kaya. Lagi tayong manalangin at bantayan ang ating mga buhay.

17/06/2025

Behold, He who keeps Israel
Will neither slumber nor sleep.
The Lord is your keeper;
The Lord is your shade on your right hand.
Psalms 121:4-5

17/06/2025

Devotion for today.

Madalas nag aalinlangan tayo sa kakayanan ng Diyos. Alam niya ang ating mga kailangan ngunit kagaya ng mga Israelita imbes na dumulog at magtiwala sa Panginoon madalas reklamo din ang ating laging sinasambit. Ngunit ang sabi ng Diyos ay walang bagay na hindi niya kayang gawin. Ang dapat lang nating gawin ay manalangin, magtiwala at umasa sapagkat siya ang Diyos na makapangyarihan sa lahat at walang bagay na imposible sa kanya.

Address

Camarin
Caloocan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Wildfire Youth Ministry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share