26/05/2026
πππππππ ππ ππππππ ππππππ ππ πππππππ ππ πππππππππ ππ ππππππ, πππππππππ ππ πππ; ππππππππ ππππππππππ, ππππππππ ππππππππ
Agad na nag-isyu ng Show Cause Order (SCO) ang Land Transportation Office (LTO) laban sa rehistradong may-ari at drayber ng isang puting Nissan Patrol na sangkot sa isang nakamamatay na aksidente sa Makati City nitong madaling-araw.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng Vehicular Traffic Investigation Unit (VTIU) ng Makati City Police Station, diumanoβy nagbanggaan ang isang motorsiklo at isang Nissan Patrol habang binabagtas ang kahabaan ng Gil Puyat Avenue sa Makati City, na nagresulta sa pagkakatilapon ng rider ng motorsiklo at pagkakatamo nito ng matinding pinsala. Naisugod ang biktima sa Makati Medical Center, ngunit kalaunan ay idineklarang dead on arrival.
Samantala, nagsagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang LTO matapos na unang lumabas sa social media ang mga ulat at video na nagpapakita umano ng mapanganib na pagmamaneho ng naturang Nissan Patrol sa Mercedes Avenue, Pasig City bago ang insidente.
Kabilang sa mga iniulat na paglabag ang mabilis na pagpapatakbo, biglaang paglipat ng lane nang walang signal, ilegal na pag-overtake, at posibleng paglabag sa number coding scheme.
Dahil dito, inaatasan ng LTO ang rehistradong may-ari at drayber ng Nissan Patrol na humarap sa Intelligence and Investigation Division (IID) ng ahensya sa Mayo 28, 2026 upang magsumite ng sinumpaang salaysay at magpaliwanag kaugnay ng insidente.
Agad ding ipinag-utos ng LTO ang pagsuko ng lisensya ng drayber, na sasailalim sa 90-araw na preventive suspension habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Inilagay rin sa alarm status ang naturang sasakyan.
βNakikiramay kami sa pamilya ng nasawi sa insidenteng ito. Kasabay nito, nais naming tiyakin sa publiko na hindi palalampasin ng LTO ang anumang uri ng iresponsableng pagmamaneho na naglalagay sa panganib ng buhay ng kapwa motorista at mga ordinaryong mamamayan. Kung mapatutunayang may paglabag, sisiguraduhin naming maipapataw ang kaukulang mabigat na parusa alinsunod sa umiiral na batas,β ani ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang LTO sa iba pang awtoridad upang matiyak ang masusing imbestigasyon sa insidente, habang ipinagpapatuloy ang mahigpit na kampanya laban sa mapanganib at iresponsableng pagmamaneho upang maprotektahan ang kaligtasan ng publiko sa mga lansangan.
π· Courtesy: Land Transportation Office - Philippines/Facebook
Catch the latest news and information by PhotoGrid News on YouTube: youtube.com/