18/09/2025
ANG HINAGPIS NG DIOS SA MGA TAO
************
Kahit ang Dios ang Siyang Makapangyarihan
sa lahat at nakikita Niya ang nakaraan,
ang ngayon at ang bukas.
Natatalos Niya ang lahat ng puso at ang
mga haka nito.
Ngunit ang Dios ay may paghihinagpis
sa mga tao.
Hinagpis, na hindi maunawaan ng mga tao.
Nalalaman ng mga tao na sila ay mahina
at mangamamatay, ngunit, mas iniibig pa
ang maniwala sa mga walang kabuluhang
bagay.
Humahanap ng mga maling Dios, na
kanilang pagpapanaligan.
Kumakatha ng mga bagong utos, gayung
May nakalaan ng batayan na inilagay
at ibinigay ang Dios sa mga tao.
Nagpapakataas ng mga isip, gayung ang
Utak ng mga tao ay tuldok lamang sa
sangsinukop.
Kung gaano kalawak ang Universo, ay higit
ang lawak ng pagiisip ng mga tao.
Kaya sila ay nangapapahamak.
Mas pinipili ng mga tao ang mali at
Kamatayan kaysa sa katwiran ng Dios,
pagasa, kaligtasan at buhay.
Ang iba naman ay mas pinipili ang
mga sariling paniniwala at sariling
kaisipan at mga pagkamakata.
Idinadaan sa kadaldalan ang kanilang
pagsamba at pananalig.
Iniisip nila na sa dami ng kasasalita,
Ay naililigtas nila ang bawat isa, ngunit
ang kauuwian ay kamatayan ng kaluluwa.
Ang mga tao ay nagpapakamatigas ng mga
puso at nagsusuwail sa Dios.
Ayaw nilang lumapit sa ILAW.
Nasisilaw sila sa liwanag ng pangungusap
ng Dios na nangasusulat sa aklat ng
katotohanan.
Ibinabaling ang kanilang mga mukha
Palayo sa liwanag ng ILAW ng katwiran
at katotohanan.
Sila ay nangahihimbing sa kasamaan at
sa kalikuan.
Ganito ang wika ng Dios sa mga tao:
Awit 4:2
Oh kayong mga anak ng tao, hanggang
kailan magiging kasiraang puri ang aking
kaluwalhatian? Gaano katagal iibigin ninyo
ang walang kabuluhan, at hahanap sa
kabulaanan? (Selah)
Kawikaan 2:13
Na nagpapabaya ng mga landas ng
katuwiran, upang magsilakad sa mga daan
ng kadiliman;
Kawikaan 2:14
Na nangagagalak na magsigawa ng
kasamaan, at nangaaaliw sa mga karayaan
ng kasamaan,
Kawikaan 2:15
Na mga liko sa kanilang mga lakad, at mga
suwail sa kanilang mga landas:
***
Kawikaan 1:23
Magsibalik kayo sa aking saway: narito,
aking ibubuhos ang aking espiritu sa inyo.
Kawikaan 1:24
Sapagka't ako'y tumawag, at kayo'y
tumanggi: aking iniunat ang aking kamay,
at walang makinig;
Kawikaan 1:25
Kundi inyong iniuwi sa wala ang buo kong
payo, at hindi ninyo inibig ang aking saway:
Kawikaan 1:26
Ako naman ay tatawa sa kaarawan ng
inyong kasakunaan: ako'y manunuya pagka
ang inyong takot ay dumarating;
Kawikaan 1:27
Pagka ang iyong takot ay dumarating na
parang bagyo. At ang inyong kasakunaan ay
dumarating na parang ipoipo; pagka ang
hirap at hapis ay dumating sa inyo.
Kawikaan 1:28
Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin,
nguni't hindi ako sasagot; hahanapin nila
akong masikap, nguni't hindi nila ako
masusumpungan:
Kawikaan 1:29
Sapagka't kanilang ipinagtanim ang
kaalaman, at hindi pinili ang takot sa
Panginoon.
Kawikaan 1:30
Ayaw sila ng aking payo; kanilang hinamak
ang buo kong pagsaway:
************
Hanggang kahulihulihang panahon at nakita
Sa mga hula sa Apocalypse na ang
Karamihan sa mga tao ay maghihimagsik sa Dios at gagawang may kasamaan at
Sila ay mangasisilo sa mga maling
pananaw.
Pahayag 19:19
At nakita ko ang hayop, at ang mga hari
sa lupa, at ang kanilang mga hukbo, na
nangagkakatipon upang makipagbaka laban
doon sa nakasakay sa kabayo, at laban
sa kaniyang hukbo.
Pahayag 19:20
At sinunggaban ang hayop, at kasama niya
ang bulaang propeta na gumawa ng mga
tanda sa harapan nito, na siyang
ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda
ng hayop at sa mga sumamba sa larawan
nito: ang dalawang ito ay inihagis na buhay
sa dagatdagatang apoy na nagliliyab
sa asupre:
Pahayag 19:21
At ang mga iba ay pinatay sa tabak na
lumalabas sa bibig niyaong nakasakay sa
kabayo, at ang lahat ng mga ibon ay
nangabusog ng mga laman nila.
***
Ganyan ang hinagpis ng Dios sa mga tao
na umabot hanggang sa wakas ng mga bagay.
Dahil mas iniibig pa nila ang kasamaan at
Kalikuan kaysa sa kaligtasan.
Huwag kang makasama at makasali sa kanila.
Magbago ka at hanapin ang katwiran at
mga kabutihan ng Dios.
At ito ay matatagpuan lamang sa ating
Panginoong Cristo Jesus.
Siya ang ILAW at Daan tungo sa Dios Ama
at sa Kaluwalhatian.
************
Papuri at Awit sa Iyo Oh Dios Ama
Na Makapangyarihan sa Kataas-taasan.
Pasasalamat at Pagpupuri ang aming
Alay sa ating Panginoong Cristo Jesus.
Isang Dios, Isang Paniniwala,
Isang Bautismo, Isang Iglesia,
Isang Banal na Espiritu at
Isang Pangulo na Ating Panginoon
Tagapagligtas at TagapamagitanAng Panginoong Cristo Jesus.
************SIYA NAWA*************